^

PM Sports

PBA pinasaya ang mga Pangasinense

Mae Balbuena - Pang-masa

CALASIAO, Panga­sinan, Philippines — Gaya ng inaa­sahan, hindi nabigong ma­kapagbigay ng saya sa mga fans ang PBA sa pagdaraos ng All-Star weekend na gina­nap dito sa bayan ng masarap na puto.

Huwebes nang duma­ting ang buong dele­gasyon, nagkaroon ng mo­torcade at meet and greet sessions ng mga fans at kanilang mga ido­lo sa Robinson’s Calasiao at CSI Mall.

Noong Biyernes ay may pa-referee clinic sa 50 katao, basketball cli­nics sa 100 kabataan at coaches clinic sa 50 parti­sipante.

Kinahapunan ay gina­nap ang Skills challenge kung saan nakopo ni Rey Guevarra ang makasaysayang ika-limang Slam Dunk title.

Naidepensa naman ni Beau Belga ang titulo sa Obstacle Challenge at naagaw ni PJ Simon ang titulo sa 3-point shootout.

Samantala, pinagbidahan ni No. 1 overall pick CJ Perez sa pagkamada ng 32 puntos ang Rookie/Sophomore team sa 141-140 panalo sa Juniors team sa taunang event na ito na suportadao ng PBA Rush on Cignal TV, Tag Huer, Peak, Molten, Mueller, Gatorade at Crystal Clear.

Noong Sabado ay gi­nugol ng PBA ang buong araw para sa pagka­ka­wanggawa sa pagbisita sa mga Barangay Longos at Ambunao, pagbisita sa bahay ampunan ng Ha­ven For Boys at sa Region 1 Medical Hospital.

Nagkaroon ng kon­ting kasiyahan kinagabihan sa pamamagitan ng pa-concert sa fans.

Ang pinaka-highlight ng apat na araw na All-Star weekend ay ang North versus South All-Star Game kagabi sa Calasiao Gym na nilalaro pa as of press time.

Inabangan din ang Dance showdown ng da­lawang koponan kung sa­an P100,000 ang pinag­lalabanan.

May 3x3 competition din sa halftime at shoo­ting stars bago magsimula ang game kagabi.

 

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with