^

PM Sports

Win no. 5 puntirya ng Perlas laban sa Tacloban

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sasarguhin ng BanKo Perlas ang kanilang ika-limang su­­nod na panalo sa pakikipagtipan sa Tac­­­loban sa pagpapatuloy ng Premier Volleyball League Season 2 Open Conference sa The Arena sa San Juan City.

Magtutuos ang Perlas Spikers at Fighting Wa­rays ngayong alas-4 ng hapon na susundan ng laban ng nagdedepensang Reinforced Con­fe­rence champion na Creamline at Adamson Uni­versity sa alas-6 ng gabi.

Namamayagpag ang BanKo Perlas hawak ang imakuladang 4-0 baraha para okupahan ang solong pamumuno sa torneo.

Nanggaling ang Perlas Spikers sa 27-25, 25-19, 25-11 panalo kontra sa Ateneo de Manila Universi­ty kung saan bumida sina dating University of the Philippines ace Nicole Tiamzon at Ateneo de Manila University star Dzi Gervacio.

Matapos malimitahan sa anim na puntos sa 25-20, 19-25, 25-22, 25-16 panalo ng Perlas Spikers sa Lady Falcons ay bumawi si Tiamzon kontra sa Lady Eagles nang magtarak siya ng 17 puntos ka­bilang ang 12 attacks.

Nagsumite naman si Gervacio ng 14 hits, habang may 11 markers si Kat Bersola para sa so­li­dong ratsada ng Perlas Spikers.

Kaya naman mataas ang moral ng BanKo Perlas na galing din sa third-place finish sa nakaraang Vinh Long Cup sa Vietnam.

Sa kabilang banda, umaasa ang Fighting Warays na makakabalik agad sila sa porma matapos lumasap ng 15-25, 21-25, 15-25 kabiguan sa Cool Smashers noong nakaraang linggo.

Nakahimpil ang Tacloban sa ikalimang puwesto hawak ang 2-2 marka.

Magtutulung-tulong sina Jovielyn Prado, Hea­ther Guino-o, Andrea Marzan at Mary Anne Esguerra para makabawi ang kanilang tropa.

Walang nakakuha ng double digits sa kanilang huling laro matapos malimitahan sa pito sina Prado at Guino-o at tig-tatlo naman sina Marzan at Es­guerra.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with