^

PM Sports

14th win asam ng Lyceum

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hangad ng Lyceum Pirates ang pang-14th panalo at solo top spot sa pagharap sa Mapua Cardinals habang pipilitin naman ng Arellano Chiefs na manatiling buhay ang asam na Final Four sa pakikipagtagpo sa Emilio Aguinaldo Generals nga-yon sa pagpapatuloy ng 94th NCAA basketball tournament sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Haharapin ng Pirates ang Cardinals sa alas-4 ng hapon pagkatapos sa laban ng Chiefs at Generals sa alas-2.

Sa juniors division, target ng Mapua Red Robins ang ika-12th panalo laban sa Lyceum Junior Pirates sa alas-12 ng tanghali kasunod sa laban ng Arellano Braves at EAC Brigadiers sa alas-10 ng umaga.

Kahit pa nakatikim ng unang talo sa mga kamay ng Perpetual Help Altas, 81-83 noong Sept. 21, nanatili pa rin ang 93rd season runner-up na Pirates sa top spot kasama ang nagdedepensang San Beda Red Lions sa parehong 13-1 win-loss kartada.

Sinabi ni Lyceum coach Topex Robinson na mahalaga ang natutu-nang leksyon sa pagkatalo kaya sa sumunod na laro, binuhos ng Lyceum ang buong ngitngit para tambakan ang Arellano Chiefs, 113-79 noong Sept. 27.

Sa kabila ng lahat, sinabi ni coach Robinson na hindi sila dapat ma-ging kampante kontra sa Cardinals kahit pa nilampaso rin nila ito (94-81) sa first round ng elimination noong Hulyo 27.

Ang Cardinals ni coach Atoy Co ay galing din sa 71-88 kabiguan kontra sa Perpetual noong Sept. 28 kaya gusto ni coach Co na bumangon para iangat ang kanilang 4-10 win-loss slate at buhayin ang pag-asang makapasok sa susunod na round.

Sa ibang laro, nagwagi ang Arellano Chiefs laban sa EAC Generals, 75-69, sa una nilang pagtatagpo na ginanap sa kanilang home court (Arellano Gym) noong Hulyo 19. 

vuukle comment

NCAA BASKETBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with