^

PM Sports

Talitha Koum angat na angat

Vince Nuguid - Pang-masa

MANILA, Philippines – Paniguradong outstanding favorite mamaya ang kabayong Talitha Koum at gagabayan ni jockey RG Fernandez at pagmamay-ari ni George Raquidan dahil kapapanalo lang nito sa isang ma-laking karerang Hopeful Stakes Race.

Hindi biro ang tinalo ng Talitha Koum sa nasabing stakes race dahil kasali rin doon ang kabayong Aprodisiac, Jackhammer, Tapster, Be The One, Royal Signal at kabayong The Best Ever na kapapanalo lang noong Huwebes.

Bumandera ang tambalang Talitha Koum at Fernandez bago kunin ng kabayong Storm Signal ang harapan pero muling nanaig ang galing ng Talitha Koum na tumakbo bilang pangalawa sa pinakadehado kaya nagtatabaan ang mga dibidendo sa nasabing karera.

Tumataginting na P847 kada limang pisong taya ang nakuha ng mga tumaya sa forecast event sa kumbinasyong 8-1. Nagbigay din ang Trifecta na 8-1-2 ng P765.60 sa kada ticket at P1,633.40 naman sa quartet sa kumbinasyong 8-1-2-7 habang P600,000 naman ang naiuwi ng koneksyon ng nanalong kabayo.

Kaya asahang maganda ang ikikilos ng Talitha Koum mamaya sa unang karera na magsisimula ng alas-4 ng hapon at iminumungkahing solohin ito ng mga mananaya dahil talunan naman ng kaba-yong ito ang limang kalahok na sumali at talagang angat na angat ang Talitha Koum sa laban.

vuukle comment

TALITHA KOUM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with