^

PM Sports

Debut album ni Maymay pinagsabay-sabay ang MV

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Debut album ni Maymay pinagsabay-sabay ang MV
Maymay Entrata

May paandar na naman ang kampo nina Maymay Entrata sa debut album nito na #Maymay.

Sabay-sabay na itinampok ang music video ng kanyang mga kanta sa album gaya ng Toinks, Shanawa, Kabaduyan, Mahal Kita Kasi, at Pa­ngarap sa YouTube channel.

Bongga dahil pinagpipiyestahan na ng kanyang fans ang mga official music videos nito dahil may kanya-kanyang kuwento sa mga nakakaaliw niyang single.

Hanga ang fans at proud kung paano pinagsabay-sabay ang MVs ng kanilang idol. Samantalang ang ibang singing artists ay paisa-isa lang ang MV. Pero si Maymay ay walang takot na inilatag agad lahat ang music videos ng kanyang limang kanta. Kaya kinarir din mga supporters ni Maymay na pataasin ang ranking ng mga singles.

Gaya ng Kabaduyan single na top 3 agad sa music chart ng MYX. Ganundin ang Shanawa na top 4 naman. Pati na rin sa MOR Daily Top 10 ay pinu-push ng fans ni Maymay ang kanyang mga single.

In fairness kay Maymay, walang itatapon sa kanyang mga kanta na patok sa mga masa niyang fans.

vuukle comment

MAYMAY ENTRATA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with