^

PM Sports

Cavs nagulantang sa Atlanta Hawks

CULTURE VULTURE - Pang-masa
Cavs nagulantang sa Atlanta Hawks
Isang layup ang tangka ni Dennis Schroder ng Atlanta sa laban kontra sa Cleveland.

CLEVELAND – Sinurpresa ang Cleveland Ca-valiers ng Atlanta Hawks nang umiskor si Dennis Schroder ng career-high na 28 points para pangunahan ang pagpapalasap sa reigning NBA champions ng kanilang unang kabiguan ngayong season, 110-106.

Nagawang humabol ng Cleveland (6-1) sa da-lawang malalaking kalamangan ng Hawks ngunit mas naging epektibo ang Atlanta sa endgame sa mga ipinasok na clutch shots.

“It was a weird game,” sabi ni LeBron James, umiskor ng 23 points matapos malimitahan sa 2-puntos sa first half.

Lumamang ang Atlanta ng 18 points sa third quarter bago nakalapit ang Cleveland sa 2-puntos. Muling lumayo ang Hawks sa 15 sa kaagahan ng fourth, ngunit nakalapit uli ang Cavaliers sa 2-puntos sa huling 25 segundo na lamang.

Tumapos si Kent Bazemore ng 25 points kabilang ang jumper mula sa corner sa huling 7 segundo ng laro  na sumiguro ng kanilang panalo.

“They’ve dominated the Eastern Conference for a long time now,” sabi ni Bazemore. “They’re definitely the measuring stick and we passed our first test tonight.”

Natalo ang Atlanta ng 11-sunod sa Cleveland kabilang ang playoff sweeps sa huling dalawang seasons.

“For my two years here, they’ve kicked our butts,” sabi ni Bazemore. “This is one of the biggest wins I’ve had since I’ve been here.”

Tumapos naman si Paul Millsap na may 21 points para sa  Atlanta.

Sa Los Angeles, umiskor si Harrison Barnes ng 31 points, nagdagdag si Seth Curry ng 23 at nanalo ang Dallas Mavericks sa kanilang  ikalawang sunod na laro matapos ang  0-5 panimula nang kanilang igupo ang La-kers, 109-97.

Nagtala si JJ Barea ng 18 points, seven rebounds at eight assists para sa Mavericks na tumalo sa Lakers sa ika-11th sunod na pagkakataon simula noong April 2, 2013.

Ipinuwersa ng Dallas ang 17 turnovers habang ‘di nila pinaporma ang Lakers sa endgame  at umiskor ng 10-sunod na puntos sa  fourth quarter upang ma-control ang laro.

Umiskor si Jordan Clarkson ng 22 points at may 20 si Nick Young nang mapigilan ang three-game winning streak ng Lakers.

Nagtala si Lou Williams ng 15 points para sa Los Angeles.

vuukle comment

ATLANTA HAWKS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with