Accel-PBA Press Corps player of the week Sean Anthony - NLEX
MANILA, Philippines - Kumolekta si small forward Sean Anthony ng PBA career-best na 32 points, 12 rebounds, 2 assists at 1 steal para tulungan ang NLEX sa 107-101 panalo laban sa Talk ‘N Text noong nakaraang Biyernes sa 2015 PBA Philippine Cup.
Iginiya ng Fil-Canadian banger mula sa McGill University ang Road Warriors na makabangon mula sa isang 17-point deficit para gibain ang Tropang Texters.
Kaya naman hinirang si Anthony bilang Accel-PBA Press Corps Player of the Week.
Naniniwala si NLEX coach Boyet Fernandez na nakatama sila ng jackpot nang mahugot ang 29-anyos na si Anthony mula sa isang offseason three-team trade.
“We really wanted to get Anthony because we really don’t have a four-man who’s agile so it’s a jackpot,” wika ni Fernandez.
Tinalo ni Anthony, ang sixth overall pick ng Air21 noong 2010 PBA Rookie Draft, para sa weekly honor sina Barangay Ginebra big man Greg Slaughter, San Miguel Beer superstar June Mar Fajardo at Gary David ng Meralco.
Nasa kanyang pang-anim na PBA season, nagtala si Anthony ng mga PBA career averages na 20.8 points, 13.6 rebounds at 4.2 assists.
- Latest