^

PM Sports

Azkals haharap sa Yemen ngayon

Pang-masa

MANILA, Philippines - Mainit na suporta mula sa mga manonood ang inaasahang magpapalabas sa tapang ng mga Azkals para makaulit sa Yemen at manatiling pala-ban sa idinadaos na FIFA World Cup Qualifiers.

Sa ganap na ika-8 ng gabi matutunghayan ang sagupaan na gagawin ngayon sa Rizal Memorial Football Pitch at must-win ang home team para dumikit sa mga nasa unang dalawang puwesto na North Korea at Uzbekistan sa Group H.

May dalawang panalo, isang tabla at dalawang talo, ang Azkals ay may pitong puntos lamang para maiwan ng North Korea at Uzbekis-tan na may nakuha ng 13 at 9 puntos.

Ang mangungunang dalawang bansa sa bawat grupo ay sasamahan ng apat na pinakamahuhusay na bansa na pumangalawa sa kabuuan na maglalaro sa third round.

“We’re looking forward to this game,” wika ni Azkals coach Thomas Dooley sa press conference kahapon.

Hindi makakasama ng koponan ang team captain na si Phil Younghusband dahil lagpas na siya sa bilang ng yellow card na magmemerito ng awtomatikong suspension habang ang starting goal keeper na si Neil Etheridge ay may hamstring injury.

Papalit kay Younghusband ang mahusay ding si Stephan Schrock habang si Ronald Muller ang siyang tatrangko sa depensa ng koponan.

Tinalo na ng Azkals ang Yemen, 2-0 sa away game. (AT)

vuukle comment

ANG

AZKALS

GROUP H

NEIL ETHERIDGE

NORTH KOREA

PHIL YOUNGHUSBAND

RIZAL MEMORIAL FOOTBALL PITCH

RONALD MULLER

STEPHAN SCHROCK

THOMAS DOOLEY

WORLD CUP QUALIFIERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with