^

PM Sports

Malinis pa rin ang Air Force

Pang-masa

MANILA, Philippines – Minaliit ng Air Force Airmen ang hamon ng Navy Sailors sa madaling 25-21, 25-21, 25-18 panalo sa Spikers’ Turf Reinforced Conference kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Sina Rodolfo Labrador at Ruben Inaudito ay mayroong 14 at 10 puntos pero ang kanilang depensa ang siya nilang sinandalan para maisulong sa 3-0 ang malinis na karta sa ligang inorganisa ng Sports Vision at handog ng PLDT Home Ultera.

Sina Labrador at Jeffrey Malabanan ay may tig-limang digs para do-minahin ang departamentong ito, 26-14.

Mas maganda rin ang serve ng Airmen sa itinalang apat na aces laban sa isa lang ng kalaban upang maisulong na ang isang paa sa semifinals.

Ito lamang ang unang pagkatalo sa dalawang laro ng Sailors at si Nur Amin Madsari lamang ang nasa doble-pigura sa tinapos na 15 puntos.

Magpapahinga na muna ang liga at magbabalik sa Nobyembre 4 sa isang triple-header game.

Nasa ikatlong puwesto ngayon ang Navy pero nanganganib na abutan pa ng mga pahingang Open champion PLDT Home Ultera Fast Hitters at baguhang Sta. Elena Wrecking Ball na may magkatulad na 1-2 baraha.

Magpapahinga muna ang liga upang bigyang daan ang Undas sa susunod na weekend kaya magpapatuloy ang aksiyon sa November 4. (AT)

vuukle comment

AIR FORCE AIRMEN

ANG

ELENA WRECKING BALL

HOME ULTERA

HOME ULTERA FAST HITTERS

JEFFREY MALABANAN

MAGPAPAHINGA

NAVY SAILORS

NUR AMIN MADSARI

RUBEN INAUDITO

SAN JUAN CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with