Pagkakaroon ng stable pool iminungkahi ni Baldwin
MANILA, Philippines – Kung mayroong regular na training pool ang Gilas Pilipinas ay malakas ang tsansang tumaas muli ang bansa sa International basketball scene.
Ito ang paniniwala ni national coach Tab Baldwin.
“The important thing for me is that the team continues to play close to its potential each time we assemble and continues to improve, as a unit, over the long term,” sabi ni Baldwin.
Idinagdag ni Baldwin na ang pagkakaroon ng stable pool ay mahalaga para sa pagpapalakas ng bansa sa international basketball.
Dahil sa kanilang magandang ipinakita sa mga nakaraang Jones Cup at FIBA Asia Championship ay tumaas ang ranggo ng Pilipinas sa No. 28 sa pinakahuling FIBA world ranking.
Pumangatlo ang bansa sa buong Asya sa ilalim ng Iran at China.
“Of course, this can only be expected if we are to have reasonable stability in our roster selection,” wika pa ni Baldwin. “That’s nice top see although I don’t believe the rankings accurately reflect the current strength of the countries, and frankly, it’s not meant to.”
Kung magkakaroon ng stable pool ay malakas ang paniniwala si Baldwin na makakabuo ang Samahang Basketbol ng Pilipinas ng mas kumpletong koponan para mapaganda ang mga second-place finishes sa FIBA Asia Championship noong 2013 at 2015.
Ito rin ang pangarap ng SBP kung sasali sa Olympic world qualifier sa Hulyo ng susunod na taon.
Si SBP president Manny V. Pangilinan ay may hanggang Oktubre 18 na lamang para magdesisyon kung ilalaban ang Nationals sa Olympic wild card tournament na lalahukan din ng France, Serbia, Greece, Italy, Czech Republic, New Zealand, Canada, Mexico, Puerto Rico, Angola, Tunisia, Senegal, Iran at Japan.
Isang long-term plan naman ang itinutulak ni PBA president Chito Salud.
“We have clear choices before us. One, continue the pick-up system and be subject to the vagaries of either players or team owners’ decisions,” ani Salud.
- Latest