^

PM Sports

NBA: Hitik ang Stars

BELT AND RUN - Nelson Beltran - Pang-masa

Maganda ang panimula ni LeBron James sa Philadelphia, sinamahan ang Sixers sa pag-spoil sa season debut ng titleholder New York Knicks, 106-100.

‘Di nagpaiwan ang dating team ni LeBron – ang LA Lakers na pinangunahan nina Luka Doncic at Walker Kessler sa pagpatiklop kina Steph Curry at GSW teammates, 127-105.

Maagang kuminang ang ibang stars – 45-point season debut ni Anthony Edwards kontra 35 ni Giannis Antetokounmpo, tumatagiting na kalibre 45 din kay Jerome Ty, 30 ni Kevin Durant kontra 32 ni Cooper Flagg, 31 ni Nickeil Alexander vs 35 ni Paolo Banchero, 34 ni Anthony Davis vs 22 ni Jaime Jaquez, 33 ni Julius Randle vs 17 and 8 ni Moussa Diabate.

At marami pang iba.

Kalat ang stars at maraming teams ang masarap panoorin.

Gumagana ang rookie draft at salary cap rule, kaya’t talagang may parity.

Kaya naman sa huling siyam na NBA seasons, walang naka-ulit buhatin ang Larry O’Brien Trophy.

Dahil maraming nagpatibay ng kanilang lineups – kasama na ang Philadelphia Sixers – mukhang masasama ang Knicks sa listahan ng teams na hindi nakayanan idepensa ang kanilang championship.

Kasama ang ESPN on Disney+ sa pwedeng tutukan ng Pinoy fans para sundan ang NBA games.

Magtutuloy-tuloy ang excitement hanggang postseason. Live na mapapanood sa Disney+ ang Western Conference Finals, habang available naman on demand ang Eastern Conference Finals at NBA Finals.

NBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with