Creamline sasalo sa liderato
MANILA, Philippines — Puntirya ng Creamline ang ikatlong sunod na panalo para sumosyo sa liderato ng 2026 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Siklab leg sa pagharap sa ZUS Coffee.
Lalabanan ng Cool Smashers ang Thunderbelles ngayong alas-6 ng gabi, habang magtutuos sa ala-1 ng hapon ang Capital1 Solar Spikers at PLDT High Speed Hitters sa Playtime FilOil Centre sa San Juan City.
Solo ng Nxled ang liderato bitbit ang 3-0 record kasunod ang Creamline (2-0), Choco Mucho (2-1), Farm Fresh (2-1), Capital1 (2-1), Akari (1-2), PLDT (0-2), ZUS Coffee (0-2) at Galeries Tower (0-3).
Magkasunod na tinalo ng Cool Smashers ang Chargers at Highrisers, habang bigo ang Thunderbelles sa Flying Titans at Solar Spikers.
Muling sasandal ang Creamline kina Jema Galanza, Alyssa Valdez, Tots Carlos, Bernadeth Pons, Michele Gumabao, Pangs Panaga, Bea de Leon at Jia De Guzman.
“Kailangan namin mag-perform sa training pa lang, and si coach (Sherwin Meneses) na bahala doon. Problema niya na ‘yun kung sino ilalagay niya,” sabi ni Pons.
- Latest




















