^

PM Sports

Petron Blaze Spikers nakontento sa 8th place

Pang-masa

PHU LY, Vietnam – Tinapos ng Petron Blaze Spikers ang kanilang kampanya sa 2015 AVC Asian Women’s Club Volleyball Championship sa pamamagiatn ng  24-26, 25-27, 26-24, 20-25 kabiguan laban sa Lienvietpost Bank ng Vietnam kahapon sa Ha Nam Competition Hall dito.

Nakipagsabayan ang Blaze Spikers ngunit nanghina sa crucial stretch para magdiomina ang home team tungo sa kanilang panalo matapos ang isang oras at  50 minutong hatawan.

Ang panalo ng Vietnam ay nagkaloob sa kanila ng seventh place habang ang Petron ay nagkasya sa eighth place ang parehong pagtatapos ng Philippine team sa torneong ito noong nakaraang taon sa Nakhon Pathom, Thailand.

Kasalukuyan pang pinaglalabanan ng reigning champion Hisamitsu Seiyaku Springs ng Japan at Bangkok Glass of Thailand ang titulo.

Nanguna si Rachel Anne Daquis sa kanyang 13 kills para sa 16 habang sina  Frances Molina, Aby Maraño at Dindin Manabat  ay may 13, 12 at 11 markers,  ayon sa pagkakasunod para sa Petron na ginagamit ang torneong ito bilang paghahanda sa Philippine Superliga Grand Prix sa Oct. 10.

vuukle comment

ABY MARA

ANG

ASIAN WOMEN

BANGKOK GLASS OF THAILAND

BLAZE SPIKERS

CLUB VOLLEYBALL CHAMPIONSHIP

DINDIN MANABAT

FRANCES MOLINA

HA NAM COMPETITION HALL

HISAMITSU SEIYAKU SPRINGS

LIENVIETPOST BANK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with