^

PM Sports

Nagyabang na naman si Mayweather

Pang-masa

MANILA, Philippines - Muli na namang umandar ang pagiging mayabang ni Floyd Mayweather, Jr.

Sinabi ni Mayweather sa panayam sa kanya ng FightHype.com na hindi siya nakikipagbasagan ng mukha para mapa-ngalagaan ang kaguwapuhan niya sa loob at labas ng boxing ring.

Sa mga nagsasabi na nakakaantok ang kanyang mga laban, may sagot si Mayweather.

“I mean, it’s an art, and last time I checked, I’m an artist and I paint a beautiful picture,” wika ni Mayweather. “A bloody mouth, a bloody nose, cut lip, broken ribs – that’s not beautiful on me.”

Ilang beses nang tinutuligsa ang 37-anyos na si Mayweather dahil sa pag-ayaw nitong makipagsabayan sa kanyang mga kalaban.

Sinabi ng American world-five division titlist na hindi niya babaguhin ang kanyang istilo kahit sa inaasahang pagsagupa niya kay Manny Pacquiao sa susunod na taon.

Kamakailan lamang tumugon si Mayweather sa hamon sa kanya ng 36-anyos na si Pacquiao.

Sa huling sagot naman ng Sarangani Congressman, sinabi ni Mayweather na wala siyang nakikitang sinseridad dito.

“It’s so crazy that once he sees that I said I do want the fight to happen and let’s make the fight happen, now he wants to say that Mayweather won’t stand there and slug with me,” wika ni Mayweather.

“It’s obvious he must know he’s not going to win. He feels that in his heart,” dagdag pa nito. (RC)

vuukle comment

FLOYD MAYWEATHER

ILANG

KAMAKAILAN

MAYWEATHER

MULI

PACQUIAO

SARANGANI CONGRESSMAN

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with