^

PM Sports

Jumbo Plastic kakalas

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Gustong kumalas ng Jumbo Plastic  Giants sa pakikisalo sa ikatlong puwesto sa Café France Ba-kers sa pakikipagharap sa MP Hotel Warriors sa PBA D-League Aspirants’ Cup ngayon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Ang laro ay magsisimula dakong alas-2 ng hapon matapos ang pagkikita ng Racal Motors at AMA University Titans sa ganap na ika-12 ng tanghali.

Huling laro dakong alas-4 ay sa pagitan ng MJM Builders at Bread Story-LPU Pirates.

Ang  Racal Motors, AMA, MJM Builders at Bread Story ay kabilang sa anim na koponan napare-parehong may 1-3 baraha kaya’t  mahalaga ang makukuhang panalo para lumakas pa ang paghahabol sa unang anim na puwesto na aabante sa susunod na round.

Galing ang Giants sa 81-65 panalo sa Wangs Basketball noong Huwebes at kung sakaling manaig pa sa Warriors ay maililista ang kanilang kauna-unahang back-to-back wins sa liga.

Gagawin ito ng tropa ni coach Stevenson Tiu na bawas ang arsenal matapos ang transaksyon ng ilang players na iniwan ang koponan.

Si Brian Heruela ay kinuha ng Blackwater Elite sa PBA habang ang shooting guard na si Jan Lozada ay nagpaalam para maglaro sa ibang liga.

Ang power forward na si Jan Colina ay may iniindang shoulder injury habang si McLean Sabellina ay napilayan ng index finger at hindi makakalaro sa labang ito.

Tiwala naman si Tiu na kayang lumaban ng mga natitirang players upang manatili sa ikatlong puwesto kasunod ng Hapee Fresh Fighters at Cagayan Valley Rising Suns na tabla sa 4-0 record sa unahan.

 

vuukle comment

BLACKWATER ELITE

BREAD STORY

CAGAYAN VALLEY RISING SUNS

D-LEAGUE ASPIRANTS

FRANCE BA

HAPEE FRESH FIGHTERS

HOTEL WARRIORS

JAN COLINA

JAN LOZADA

RACAL MOTORS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with