^

PM Sports

Algieri ‘di uubra kay Pacquiao

Pang-masa

MACAU – Para kay Freddie Roach, walang tsansang manalo si Chris Algieri kay Manny Pacquiao sa kanilang sagupaan bukas sa Cotai Arena dito.

“Zero,” ani Roach nang tanungin kung may pag-asa bang manalo si Algieri kay Pacquiao.

Kahit ang mga odds-makers ay hindi rin naniniwalang may tsansang manalo si Algieri.

Sa huling tayaan, si Pacquiao ay -800 (na-ngangahulugang ang ta-yang $800 ay mananalo ng $100) habang si Algieri ay +550 (ang $100 na taya ay mananalo ng $550).

Pero sinasabi rin ng kampo ni Algieri na hindi rin mananalo si Pacquiao.

“Chris is the young lion and he will prevail,” sabi ni Tim Lane  na kila-lang trainer ng kickboxers kaysa sa mga boxers.

Nagpahapyaw pa si Lane na mananalo si Algieri sa pamamagitan ng knockout.

“I truly believe the fight will not go the distance. I believe that Manny will go to sleep, go back home and retire,” sabi ni Lane.

Sinabi naman ni Roach na hindi mapapabagsak ni Algieri si Pacquiao dahil hindi naman nito napabagsak ang mga nauna niyang mas magagaan na kalaban.

Hindi natalo si Al-gieri sa kanyang 20 fights ngunit mayroon lang siyang walong knockouts.

Sa 56-wins ni Pacquiao, 38 ang kanyang knockouts kontra sa kanyang limang talo at 2-draw.

Halos matawa si Roach nang sinabi sa kanyang nagbanta ng knockout si Lane.

“No chance. Chris doesn’t have the power,” aniya.

Matapos manalo kay Ruslan Provodnikov noong June, sinabi ni Roach na baka naniniwala si Algieri na kaya rin niyang talunin si Pacquiao.

“Maybe they think they’re going in there with a guy like Ruslan and that they have a chance. Ruslan is a heavy hitter but he’s not Manny Pacquiao,” sabi ni Roach. (AC)

vuukle comment

ALGIERI

CHRIS

CHRIS ALGIERI

COTAI ARENA

FREDDIE ROACH

PACQUIAO

RUSLAN

RUSLAN PROVODNIKOV

TIM LANE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with