^

PM Sports

Mahigpit ang labanan sa World Cup of Pool

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napatunayan na walang nakakasiguradong koponan sa 2014 World Cup of Pool nang kalusin ng Qatar ang malakas na Chinese Taipei sa ikalawang araw ng first round eliminations na ginagawa sa Mountbatten Centre sa Portsmouth, Great Britain.

Hindi nataranta sina Waleed Majid at Bashar Hussain sa matibay na paglalaro nina Chang Yu-lung at Hsu Kai-lun upang tumbukin ang 7-5 panalo at umabante sa second round.

Ang iba pang nanalo ay ang Poland sa Australia, 7-4, China sa Czech Republic, 7-5, USA sa Croatia, 7-2, Holland sa Sweden, 7-3 at England A sa Spain, 7-6.

Ang nagdedepensang kampeon na Pilipinas na binubuo nina Dennis Orcollo at Lee Vann Corteza ay may laro nitong Biyernes ng madaling araw laban kina Stephan Cohen at Alex Montpelier ng France.

Inaasahang mas magiging maganda ang makikitang laro kina Orcollo at Corteza para umabante sa quarterfinals kalaro ang mananalo sa pagitan ng Poland at Finland.

 

vuukle comment

ALEX MONTPELIER

BASHAR HUSSAIN

CHANG YU

CHINESE TAIPEI

CZECH REPUBLIC

DENNIS ORCOLLO

ENGLAND A

GREAT BRITAIN

HSU KAI

LEE VANN CORTEZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with