^

PM Sports

Hagdang Bato pinakitaan ang Crusis

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ipinakita ng Hagdang Bato na milya-milya ang layo ng angking galing kumpara sa imported horse na Crucis matapos magtuos sa isinagawang Challenge of Champions Cup noong Linggo sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Kinargahan agad ng hineteng si Jonathan Hernandez ang Hagdang Bato sa pagsisimula pa lang ng karera na inilagay sa 1,750-metro.

Sumabay ang Crucis sa pagdadala ni Jeff Zarate at nagbayad ang kabayo dahil pagod na pagod na ito pagsapit sa rekta.

Dahil dito ay solong lumayo ang back-to-back Horse of the Year awardee na pag-aari ni Mandalu-yong City Mayor Benhur Abalos tungo sa dominanteng panalo.

Naorasan ang Hagdang Bato ng 1:51.4 sa kuwartos na 10’, 23, 24’, 25’ at 28 para maibulsa rin ang P600,000.00 gantimpala mula sa P1 milyon na inilagay ng nagtaguyod na Resorts World.

Ang Pinespun ni John Alvin Guce ang pumangala-wa, halos walong dipa ang layo sa Hagdang Bato para bitbitin ang P225,000.00 bago tumawid ang Boss Jaden ni Jeff Bacaycay tu-ngo sa P125,000.00 premyo.

Nangulelat ang dikit na second choice na Crucis para sa pakonsuwelong P50,000.00.

Dahil dikit ang benta ng Hagdang Bato at Crucis na pinakamahusay na imported horse noong  nakaraang taon, umabot pa ang win ng P10.50 habang P31.00 ang ipinasok ng 4-2 forecast.

Ang King Bull at Malaya na pag-aari rin ni Abalos ang iba pang naihatid sa panalo ni Hernandez. (AT)

vuukle comment

ANG KING BULL

ANG PINESPUN

BOSS JADEN

CHALLENGE OF CHAMPIONS CUP

CITY MAYOR BENHUR ABALOS

DAHIL

HAGDANG BATO

LEFT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with