^

PM Sports

Tatay ni Mayweather naniniwalang ‘di uubra si Manny sa anak niya

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mauuwi lamang sa kumbinsidong panalo para kay Floyd Mayweather Jr. kung matuloy ang pagtutuos nila ni Manny Pacquiao sa Mayo.

Ganito ang paniniwala ng ama ni Mayweather na si Floyd Sr. nang maka-panayam ng On The Ropes  Boxing dahil mas superior ang angking husay ng kasalukuyang pound for pound king kumpara sa natatanging 8-division world champion.

“To tell you the truth, there is no way in the world Pacquiao can whoop Floyd,” pahayag ng nakatatandang Mayweather. “He don’t have the skills, he don’t have the finesse, he don’t have speed, he don’t event have the power that Little Floyd got now.”

Matagal nang sinisikap na itakda ang pagkikita ng dalawang boksingero na hinahangaan sa kapanahunang ito pero hindi matuluy-tuloy dahil paiba-iba ang mga nais ni Mayweather para matuloy ang laban.

Pero noong nakaraang mga araw ay may haka-haka na mangyayari sa Mayo 2015 ngunit sinabayan din ito ng mga pagdududa kung kasing-init pa ito kung isinagawa noong nakaraang mga taon dahil may mga edad na ang dalawang boksingero.

Nasa 38 na si Mayweather habang si Pacquiao ay nasa 36 at  marami ang nagsasabi na nabawasan na ang abilidad at lakas nina Mayweather at Pacquiao, bagay na hindi sinuportahan ng trainer na si Mayweather Sr.

“Floyd has been the best at his age. You’ve gotta realize one thing about most of those guys in boxing today have took beatings. Little Floyd, he ain’t really took no real beatings, you know. He ain’t got  hit in his eyes and stuff. He’s been better that anybody I know, including the great Muhammad Ali,” pahayag pa ni Mayweather.

vuukle comment

FLOYD

FLOYD MAYWEATHER JR.

FLOYD SR.

LITTLE FLOYD

MAYWEATHER

MAYWEATHER SR.

MUHAMMAD ALI

PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with