Perpetual Altas ginulat ang Stags
MANILA, Philippines - Nagbida si rookie Ric Gallardo sa dulo ng fourth quarter para tulungan ang Perpetual Help sa 82-79 panalo laban sa San Sebastian para makasalo sa unahan ang ‘four-peat’ champions na San Beda sa 90th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Nagtala ang 17-anyos na si Gallardo mula sa Marivelles, Bataan ng isang shot block, dalawang rebounds, isang putback at isang free throw sa loob ng 1.10 minuto para selyuhan ang ikalawang sunod na panalo ng Altas.
Pinamunuan ni Earl Thompson ang Perpetual sa kanyang 26 points kasunod ang 19 ni Harold Arboleda at 18 ni Juneric Baloria.
Nauna nang nasayang ang itinayong 23-point lead ng Perpetual sa first quarter.
Nakabangon ang San Sebastian nang agawin ang 79-73 bentahe sa huling tatlong minuto ng fourth period.
Perpetual 82 -- Thompson 26, Arboleda 19, Baloria 18, Alano 6, Dizon 5, Dagangon 5, Gallardo 3, Oliveria 0, Bantayan 0, Sadiwa 0, Jolangcob 0.
San Sebastian 79 -- Ortuoste 22, Guinto 18, Dela Cruz 16, Perez 8, Fabian 4, Aquino 4, Balucanag 3, Calisaan 3, Yong 2, Costelo 0.
Quarterscores: 31-13; 47-29; 61-59; 82-79.
- Latest