^

PM Sports

Blackwater nalo sa Big Chill na muntik mag-walkout

Pang-masa

MANILA, Philippines - Winakasan ng nagdedepensang kampeong Blackwater Sports ang dalawang dikit na pagkatalo nang durugin ang Big Chill Superchargers, 93-75, sa larong kinatampukan ng ‘partial walkout’ ng huli sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Lamang ng 22 puntos (47-25) sa huling 2:50 minuto ng ikalawang yugto ang Elite nang lisanin ng Superchargers ang bench matapos ang second motion na itinawag kay Rodney Brondial.

Siniko ni Rodney Brondial si Pari Llagas na naunang tinawagan ng foul sa dating manlalaro ng Adamson. Ang tawag ang nagpasiklab sa damdamin ng Big Chill na ang sentimiyento ay nadedehado sila sa tawagan kaya’t nilisan ang court.

“This league is getting wilder and wilder,” wika ni Big Chill coach Robert Sison na gumawa ng kasaysayan sa liga bilang unang coach na pinamunuan ang koponan na mag-walkout sa D-League. “I’m not saying the refs are biased. It’s just that they’re not making the right calls,” dagdag  ni Sison.

Inaasahang ipapatawag si Sison ng PBA Commissioner’s Office upang pagpaliwanagin at tiyak na mapapatawan ng kaparusahan.

Sa PBA nagaganap ang walkout at ang Rain Or Shine ang huling koponan na umasta ng ganito sa Game Six ng Philippine Cup Finals laban sa San Mig Coffee. Ito ay humantong sa P2 milyong pagmumulta ng prangkisa.

Ang dating Big Chill center na si Reil Cervantes  na nagbalik-laro rin mula sa one-game suspension, ang nanguna sa Elite sa kanyang 15 puntos.

Naunang nanalo ang Jumbo Plastic Giants sa Derulo Accelero Oilers, 80-52 habang nalusutan ng Cagayan Valley Rising Suns ang Cebuana Lhuillier Gems, 70-67 para humigpit ang labanan sa team standings.

Ang Superchargers, Gems, Giants ay nakisalo sa Boracay Rum Waves at Café France Bakers sa ikalawang puwesto habang ang Rising Suns ay may 1-2 baraha katulad ng Elite.

Naiwan sa tuktok ng standings ang NLEX Road Warriors sa 3-0 baraha at magkakaroon ng pagkakataon na layuan pa ang ibang teams sa pagharap sa Bakers ngayong  ika-2 ng hapon sa Meralco Gym.

 

vuukle comment

ANG SUPERCHARGERS

BIG CHILL

BIG CHILL SUPERCHARGERS

BLACKWATER SPORTS

BORACAY RUM WAVES

CAGAYAN VALLEY RISING SUNS

CEBUANA LHUILLIER GEMS

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

RODNEY BRONDIAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with