^

PM Sports

Para maibalik ang kumpiyansa sa sarili: Pakikipagkita sa pamilya nakatulong kay Gary David

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ilang oras na paghi­ga sa kanilang tahanan ka­sa­ma ang kanyang may­ba­hay at mga anak na hin­di niya naramdaman ma­higit isang linggo na ang nakatulong pa­ra bu­malik sa dating sa­rili si Ga­ry David.

Mula Hulyo 29 ay hin­­di na umuwi si David ka­sama ang ibang ka­sa­pi ng Gilas Pilipinas pa­ra ituon lamang ang isi­­pan sa kampanya sa 27th FIBA-Asia Men’s Championships.

Nagkikita pa rin ang pamilyang David sa laro sa Mall of Asia Arena pe­ro iba ang pakiramdam ng batikang shooter na naglalaro sa Globalport sa PBA.

“Simula July 29 hin­di na ako nakauwi ng ba­hay,” wika ni David. “Nag­kikita-kita na lang ka­mi dito kapag laro pe­ro iba siyempre ang at­mosphere kapag nasa ba­hay ka.”

Nawala ang shoo­ting niya kaya’t bago is­i­na­ga­wa ang mahalagang laban kontra sa Ka­zakhs­tan sa knockout quarterfinals noong Bi­yernes ng gabi ay pi­na­yagan munang sumaglit sa kanilang bahay si Da­vid.

“Nakatulog ako ng isa o dalawang oras sa kama, nakasama ko ang mga anak at asawa ko bago ako bumalik ng hotel. Nakatulong ta­laga ito sa akin,” sabi ng dating manlalaro ng Ly­ceum Pirates.

Nag-iba nga ang kilos ni David dahil sa knockout game kontra sa Kazakhstan ay nag­pasabog siya ng 22 pun­tos mula sa 7-of-11 fieldgoal shoo­ting tampok ang apat na tres pa­ra pa­munuan ang 88-58 do­minanteng panalo na nag­lagay sa Pilipinas sa Fi­nal Four.

Pinasalamatan niya ang suporta ng mga ka­samahan sa Gilas dahil hindi nawala ang ka­nilang tiwala na maka­ka­balik siya sa kanyang da­ting porma.

Malaking pasasala­mat din ang ipinaaabot ni David sa mga Pilipi­no fans na nanonood ng laro na walang sawang isinisigaw ang kanyang pa­ngalan na nagpapata­as lalo ng kanyang kum­piyansa.

“Iba talaga ang paki­ramdam dahil buong ba­­yan na nanonood sa MOA ang sumusuporta sa akin. Sa inter-ba­rangay ko lamang nara­n­a­san na isinisigaw ang pa­­ngalan ko pero iba ito da­hil lahat tsini-cheer ako at binubuo nila ang kump­iyansa ko,” pali­wa­nag ni David.

vuukle comment

ASIA MEN

DAVID

GILAS PILIPINAS

GLOBALPORT

ILANG

MALL OF ASIA ARENA

MULA HULYO

SHY

SIMULA JULY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with