^

PM Sports

Durant engage na sa isang WNBA star

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sina Kevin Durant at Monica Wright ay parehong hinahangaang Washington, D.C. prep basketball stars sa high school, ngunit ang dalawang oras na biyaheng distansiya ng  bahay ni Durant sa Prince George’s County, Md. sa lugar ni Wright sa Prince William County, Va. ay nangangahulugang malabong mag-krus ang kanilang landas.

Ngunit nagkita sila noong 2006 McDonald’s All-American national showcase sa San Diego.

Nagsimula ang kanilang pagiging magkaibigan at nagtuluy-tuloy na ito hanggang sa ang 24-gulang na Oklahoma City Thunder star at ang magtu-25 na reserve Minnesota Lynx wing player ay na- engage.

Ibinalita ang engagement sa mga  gossip sites na Media Takeout at Hollywood Life, at kinumpirma ni Darnell Mayberry ng The Oklahoman kay  Wright na umiskor ng season-high na 17 points off- the-bench nang igupo ng  Minnesota Lynx ang Phoenix Mercury ni Diana Taurasi.

Nagsimulang pag-usapan ang relasyon ng dalawang pro players noong May matapos masibak ang Thunder ni Durant sa NBA playoffs ng Memphis Grizzlies at bago siya tumulong sa mga biktima ng tornado sa Oklahoma City at Moore, Okla..

Nanood siya ng laro ng Lynx sa Minnesota at Los Angeles noong nakaraang linggo.

vuukle comment

DARNELL MAYBERRY

DIANA TAURASI

HOLLYWOOD LIFE

LOS ANGELES

MEDIA TAKEOUT

MEMPHIS GRIZZLIES

MINNESOTA LYNX

MONICA WRIGHT

OKLAHOMA CITY

OKLAHOMA CITY THUNDER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with