^

PM Sports

Bumandera ang kabayong Divine Eagle sa palakihan ng kinita ngayong taon

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagbunga ang pana­long kinuha ng Divine Eagle sa 1st leg ng 2013 Triple Crown Championship nang manguna sa hanay ng mga kabayo kung kinita sa horse ra­cing sa taon ang pag-uusa­pan.

Matapos ang buwan ng Mayo ay nasa tuktok ang Divine Eagle mula sa kinitang P2,219,160.68 sa likod ng apat na panalo at isang segundo puwestong pagtatapos.

Ang tampok na panalo ng kabayo ay ang unang leg ng Triple Crown sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas.

Ang panalo ay nagkahalaga ng P1.8 milyon.

Ang Hagdang Bato ay nalagay ngayon sa ikalawang puwesto taglay ang P1,920,000.00 kita mula sa dalawang panalo.

Ang mga Triple Crown contenders na Be Hum­ble at El Libertador ang nasa ikatlo at apat na puwesto, ayon sa pagkakasunod.

Nasa pang-lima ang Show Me The Money.

May P1,680,000.00 k­ita na ang Be Humble mu­la sa dalawang pana­lo at dalawang segundo pu­westong pagtatapos.

Ang El Libertador ay kumabig naman ng P1,350,000.00 buhat sa da­la­wang panalo at isang segundo puwestong pag­ta­tapos.

May P1,123,472.63 ki­nita ang Show Me The Money mula sa anim na panalo, anim na segundo, dalawang tersero at isang kuwarto puwestong pagtatapos.

Ang kampeon sa 1st leg ng Hopeful Stakes race na Big Leb ay nasa ikaanim na puwesto sa nalikom na P1,100,657.67 mula sa limang panalo at isang kuwarto puwestong pagtatapos.

Limang iba pang ka­bayo ang nakapagbulsa na ng mahigit na isang mil­yong premyo.

Ang Amsterdam ang na­sa ika-pitong puwesto sa P1,082,917.41 mula sa pitong panalo, tatlong segundo at dalawang kuwarto puwesto, kasunod ang Yes Yes Yes na may P1,062,775.53 (6-4-0-1).

Ang Snake Queen ang nasa ika-siyam na puwesto mula sa kinitang P1,020,947.29 (7-1-1-1) kasunod ang Hot And Spicy sa naibulsang P1,017,043.90 (2-2-1-1) at ang Esprit De Corps na may P1,008,279.20 (7-2-1-0).

vuukle comment

ANG AMSTERDAM

ANG EL LIBERTADOR

ANG HAGDANG BATO

ANG SNAKE QUEEN

DIVINE EAGLE

PANALO

SHOW ME THE MONEY

SHY

TRIPLE CROWN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with