^

PM Sports

Unequalled hindi napantayan sa laban

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi napigilan ang ma­­lakas na pagdating ng Un­equalled para mapa­nga­tawanan ang pagi­ging pinakaliyamadong ka­bayo na nanalo noong Bi­yernes ng gabi sa baku­ran ng Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Sakay pa rin si Jordan Cordova, ang Unequalled ay bumangon mula sa da­lawang dipang layo sa na­unang lumamang na Kate Ganda sa rekta para kunin ang pangunguna sa class division 4 race na inilagay sa 1200-metrong karera.

Nakasabay ng nanalong kabayo na umarangkada sa huling 100 metro ng karera ang Super Kent na pumangalawa sa dati­ngan, kapos ng kalaha­ting kabayo habang ang Kate Ganda ay naglakad na para tumapos sa pang-apat lamang kasunod ng Sir Jeboy.

Ikatlong sunod na pa­na­lo ito ng Unequalled at ikalawa sa buwan ng Ma­yo para makapaghatid ng P6.00 sa win, habang ang forecast na 1-3 ay pumalo sa P25.50 dibidendo.

Ito ang ikalawang panalo sa gabi sa bakuran ng Philippine Racing Club Inc. (PRCI) ni Cordova da­hil una niyang naihatid sa tagumpay ay ang Extra Ordinary sa race one na isang class division 7 at ini­lagay din sa 1,200 me­tro.

Patok din ang nasa­bing kabayo sa pitong nag­laban at mahusay na isi­nunod lamang ni Cor­do­va ang Extra Ordinary sa likod ng naunang Ne­ver­saygoodbye at saka la­mang tumodo pagpasok sa huling kurbada.

Mula rito ay nilayuan na ng Extra Ordinary ang mga kalaban para manalo ng halos limang dipa sa Golden Class.

Tinapos ng Extra Ordinary ang dalawan,g su­nod na segundo puwes­tong pagtatapos sa hu­ling dalawang takbo pa­ra makapaghatid ng P7.00 sa win, habang ang forecast na 5-7 ay naggawad ng P38.00 dibidendo.

Ang pinakadehadong kabayo na nanalo ay ang My Champ na hinawakan ni Fernando Raquel Jr. at tumakbo sa 3YO handicap 3 race.

Sa pinakalabas duma­an ang  naunang nalagay sa ikalimang puwesto na My Champ at tinugon ang paggamit ng hinete ng latigo sa pagtulin ng pag­takbo para manalo.

 

vuukle comment

EXTRA ORDINARY

FERNANDO RAQUEL JR.

GOLDEN CLASS

JORDAN CORDOVA

KATE GANDA

MY CHAMP

PHILIPPINE RACING CLUB INC

SANTA ANA PARK

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with