^

PM Sports

JRU, Informatics unahan sa panalo

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mag-uunahan ngayon ang mga bagitong koponan na Jose Rizal University at Informatics na makatikim ng unang panalo sa PBA D-League Aspirants’ Cup na magbabalik ngayong hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Magkukrus ang landas ng Heavy Bombers at Icons sa ganap na ika-2 ng hapon at ang mananalo ay magkakaroon uli ng liwanag sa kampanya sa 11 koponang liga.

Mahalaga ang bawat laro dahil single-round ro-bin lang ang eliminasyon at ang mangungunang dalawang koponan ang aakyat sa semifinals habang ang sunod na apat na koponan ang maglalaban-laban sa quarterfinals. Ang huling apat ay laglag na.

Ang NLEX ang nakasukatan ng dalawang ito at ang JRU ay natalo sa 87-91, habang ang Icons ay yumukod sa dikitan ding 81-88 iskor.

Sa ikalawang laro, tatangkain ng Cebuana Lhuillier na wakasan ang dalawang dikit na pagka-talo sa pagharap sa Café France dakong alas-4.

Lagapak ang Gems sa Fruitas, 90-91 at sa Big Chill, 61-81, upang malagay ang koponang sinasabing palaban sa kampeonato matapos magpalakas sa off-season, sa pakikisalo sa ikaapat at limang puwesto.

Hindi  nakakasiguro ang tropa ni coach Beaujing  Acot dahil ang Bakers ay galing sa 73-58 dominasyon sa Erase Xfoliant tungo sa 2-1 baraha.

 

vuukle comment

ACOT

BEAUJING

BIG CHILL

CEBUANA LHUILLIER

D-LEAGUE ASPIRANTS

ERASE XFOLIANT

HEAVY BOMBERS

JOSE RIZAL UNIVERSITY

PASIG CITY

YNARES SPORTS ARENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with