^

True Confessions

Suklam (87)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

NAUNA sa paglabas si Mara mula sa stockroom at pagkaraan ng isang minuto ay si Brent naman ang lumabas.

Nang nasa opisina na niya si Brent ay saka ito nag-­worry sa nangyari sa kanila ni Mara sa stockroom. Tiyak niyang may nakapasok na ibang tao sa stockroom at nakita ang ginagawa nila ni Mara.

Sigurado siyang ang bumagsak na bagay sa sahig ­kanina ay kagagawan ng taong pumasok sa stockroom. Siguro’y natabig ng kung sinumang taong yun ang bagay dahil sa pagmamadali.

Babae kaya o lalaki?

Karaniwang lalaki ang pumapasok sa stockroom para mag-imbentaryo. Bihira ang babae. Kaya lang naman pumasok si Mara kanina sa stockroom ay dahil sa kanya—para “ipaulit” ang nalasap na ligaya.

Nasisi ni Brent si Mara—kung hindi ito nagpumilit kanina, wala sana siyang iniisip na problema. Baka makarating sa manager ang nangyari, maging dahilan pa nang pagkakasibak. Nakasaad sa company rules na ang paggawa ng indecent acts o illicit affairs ay pinagbabawal at pinagbibitiw agad ang mga gumawa niyon. Masyado kasing “atat” si Mara.

Pero naisip ni Brent na may kasalanan din siya. Alam niyang bawal yun at hindi sana siya nagpaalipin sa pang-aakit ni Mara.

Mas magandang iwasan na niya si Mara mula ngayon. Hindi maganda kung mapapabaon siya sa pakikipagrelasyon kay Mara. Isa pa, hindi niya alam kung dalaga o may asawa na si Mara.

Didistansiya rito at baka kung ano ang mangyari.

Baka magsisi siya sa dakong huli kung hindi lalayo sa mapanuksong si Mara.

Itutuloy

vuukle comment

SUKLAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with