^

True Confessions

Suklam (58)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

“GULUNG-GULO ang isip ng bata sa nangyayari sa kanilang bahay. Bakit gumagawa ng ganito ang kanyang nanay? Bakit may ibang lalaki na nakakapasok sa kanilang kuwarto at mayroon silang malaswang ginagawa? Kung minsan ay sa banyo pa niya nakikita ang mga ito at may ginagawang kahalayan. At nitong mga nakaraang araw, nakita niya na binibigyan ng pera ng kanyang nanay ang lalaki. Ang lalaki ay madalas niyang makita sa tindahan sa kanto at patambay-tambay doon. Malaki ang kabataan nito sa kanyang ina.

“Hanggang sa magpasya ang bata na isumbong sa kanyang tatay ang ginagawa ng ina. Hindi na niya kaya ang mga nasasaksihan. Parang puputok na ang kanyang ulo sa pag-iisip sa mga nangyayari. Hindi na niya matatagalan ang mga mala­laswang ginagawa ng kanyang ina at lalaki.

“Kapag umuwi ang kanyang tatay ngayong linggong ito, sasabihin na niya ang lahat. Bahala na kung ano ang mangyari. Basta sasabihin niya ang mga nakikita kapag wala ang kanyang ama.

“Pero hindi na pala kailangang magsalita ang bata. Ang tatay pala niya ang makatutuklas nang lahat. Makikita pala niya ang kataksilang nangyayari sa pamamahay. Masasaksihan pala niya ang pagpugay sa kanyang dangal.

“Dumating ng kalaliman ng gabi ang tatay. Wala sa iskedyul ang uwi nito. Biglang-biglang dumating.

“Naramdaman ng bata ang pagdating ng ama kaya sinalubong niya ito sa pintuan. Bigl­ang umiyak ang bata. Nagtaka ang ama kung bakit bigla itong umiyak. Tinanong ng ama kung nasaan ang nanay nito. Lalong umiyak ang bata.

“Mabilis na tinungo ng ama ang kanilang kuwarto para hanapin ang asawa. Binuksan ang pinto. Nasorpresa ang mga nasa loob sa pagbukas ng pinto. Hubo’t hubad na magkapatong ang mga ito!

Huling-huli sila sa akto!

Itutuloy

vuukle comment

SUKLAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with