^

True Confessions

Kaibigan (34)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

‘‘KATATAPOS lamang po operahan,’’ sabi ng nurse sa station. ‘‘Kamag-anak  ka po ba niya?’’

‘‘Oo.’’

‘‘Advise po ng doktor na mailipat siya sa private room. Kailangan po na nag-iisa siya para mapabilis ang recovery ng pasyente.’’

‘‘Kukuha na ako ng private room ngayon.’’

‘‘Punta ka po sa ground floor—sa information para malaman kung paano mag-reserve ng room.’’

‘‘Salamat.’’

Nagmamadaling nagtungo sa ground floor si Dex at nagpareserba na ng room para kay King. Inalam niya kung magkano ang rate ng room na napili.

Pagkatapos magpa-re­serve, nag-withdraw siya sa ATM. Kailangang may hawak siyang pera. Maraming kakailanganin si King. Wala namang ibang tutulong kay King kundi siya. Gagawin niya ang lahat para sa kaibigan. Ngayon niya lubos na magagantihan si King sa ginawa nitong kabutihan sa kanya noong araw.

Eksakto ala una ng hapon, inilabas sa operating room si King. Idiniretso ito sa private room. Tulog si King. Ayon sa doktor, pagkalipas pa ng isang oras saka ito magkakamalay. Epekto iyon ng gamot na ibinigay.

Nang nasa maayos nang kalagayan si King, saka niya tinawagan si Lara.

‘‘Puwede ka nang pu­munta rito, Lara. Magtaksi ka na. Tulog pa si King. Siguro, pagdating mo ay magkakamalay na siya,’’ sinabi rin ni Dex ang pangalan ng ospital na kinaroroonan.

‘‘Pupunta na ako, Dex.’’

Nang magkamalay si King ay naroon na si Lara. Hindi pa puwedeng kausapin si King, bilin ng doktor.

‘‘Tatlong araw pa bago siya makausap, Lara,’’ sabi ni Dex.

Tumango si Lara.

MAKALIPAS ang tatlong araw, nakakausap na si King. Bahagya nang nag­kukuwento ng mga nang­yari sa kanya. (Itutuloy)

TRUE CONFESSION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user