^

True Confessions

Ang Babae sa Silong (89)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Lalong humanga si Dado kay Gab sa sinabi na gusto pala nitong mabuo ang pamilya sa hinaharap­ pero hindi na maaaring mang­yari sapagkat namatay na nga ang ama. Sa kabila na pawang sakit ng kalooban at hindi naging mabuti ang ama, umaasa pa rin pala si Gab na balang araw ay magkakabalikan ang mga magulang at mabubuo muli ang pamilya.

‘‘May sama ako ng loob kay Papa dahil sa mga gi­nawa niya sa amin pero sa kabila niyon, gusto ko pa rin sanang mabuo ang aming pamilya. Pero siguro, hindi na pinahintulot ng Diyos dahil baka mayroon pang mangyari uli. Mas ma­kabubuti nga siguro na kinuha ng Diyos si Papa, di ba Dads?’’

“Palagay ko tama ka, Gab.’’

“Mas maganda kung ‘yun ang mangyari. Isa pa nga, nabawasan ang mga pasa­nin ko.’’

Napatango si Dado bilang pagsang-ayon kay Gab.

Nang magtanghali, may ilang kamag-anak nila ang dumating – mga pinsan ng papa ni Gab. Wala na rin palang kapatid ang papa ni Gab dahil mga patay na. Karamihan sa mga pinsan ni Gab ay nasa probinsiya at iilan lang ang narito sa Metro Manila. Ang iba ay nasa ibang bansa. Hindi nga kilala ni Gab ang ilan sa mga dumalaw.

Maya-maya pa, dumating na ang bunsong kapatid ni Gab na si Briel. Ipinakilala ni Gab si Dado kay Briel.

“Briel si Dado, kaibigan ko. Nakatira siya sa second floor ng inuupahan kong apartment. Siya ang tumulong sa akin sa pag-aasikaso kay Papa habang nasa ospital.’’

Mahigpit na kinamayan ni Dado si Briel. Mukhang mabait at seryoso si Briel.

‘‘Salamat sa tulong Dado,’’ sabi ni Briel.

‘‘Walang anuman Briel.’’

Nagpaalam si Briel para kausapin ang ilang kamag-anak na nakikiramay.

Binalingan ni Dado si Gab.

‘‘Mabait naman pala ang utol mo, Gab.’’

‘‘Oo. Mas matino ‘yan kaysa kay Ino.’’

“Nagpupunta ba sa inu­upahan mong bahay si Briel?’’

“Hindi madalas. ‘Yung ka­patid kong isa – si Ino – ang madalas magpunta dahil nga nanghihingi ng pera.’’

Napatango na lang si Dado. Si Ino ang na-meet na niya. Nakausap niya min­sang kumatok siya sa room ni Gab sa silong. May kayabangan si Ino.  (Itutuloy)

vuukle comment

GAB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with