Alupihan (195)
“KAPAG hindi ka makasakay ng dyip e ‘di magtaksi ka na lang. Mahirap talagang makasakay ngayong may pandemya. Iilan lang ang bumibiyaheng dyip. Huwag kang makikipag-agawan lalo kapag lalaki ang mga pasahero. Wala nang pakundangan ang mga lalaki ngayon,’’ sabi ni Cris kay Hani.
“Oo nga Kuya. Sana lahat nang lalaki ay katulad mo na mabait.’’
“Wow ha? Pinalalaki mo ang puso ko niyan.’’
“Totoo naman Kuya. Salamat uli sa pagsisilbi mo sa akin habang masakit ang paa ko.’’
“Sabi nang wala ‘yun. Sino pa ba ang tutulong sa’yo rito kundi ako. At siguro kung sa akin mangyayari ang ganun e tutulungan mo rin ako.’’
“Siyempre naman Kuya.’’
“Tulungan lang naman ang kailangan ngayon ng bawat isa. Kung walang magtutulungan, hindi tayo uunlad, ‘di ba?’’
“Korek ka diyan Kuya.’’
“Tingnan ko nga ang paa mo kung wala na ngang maga. Maupo ka muna at sisilipin ko.’’
Naupo si Hani sa sopa.
Naupo naman si Cris sa maliit na upuan.
‘‘Ipatong mo ang paa mo sa hita ko.’’
Ipinatong ni Hani ang kanang paa.
Marahang hinawakan ni Cris ang paa. Ininspeksiyon kung may pamamaga pa.
“Wala na ngang pamamaga. Masakit ba kapag hinawakan ko?’’
“Wala na Kuya. Magaling na talaga.’’
“Nakatulong din siguro ang gamot na ininom mo ano?’’
“Oo Kuya.’’
Hinawakan uli ni Cris ang paa.
“Wala na talagang sakit?’’
“Wala na Kuya.’’
Ibinaba ni Cris ang paa.
“Ingatan mo nang huwag mayayapakan at baka mamaga uli.’’
“Oo Kuya.’’
“Pero huwag ka munang pumasok sa opis. Puwede namang work from home ka ‘di ba?’’
“Hindi nga muna Kuya. Next week na ako papasok.’’
“Para nakakapahinga ka nang ayos.’’
MAKALIPAS ang isang linggo, magaling na magaling na talaga si Hani kaya pumasok na siya. Nagpaalam siya kay Cris.
“Aalis na ako Kuya.’’
“Ingat ka.’’
“Huwag ka nang magluto mamaya Kuya at magti-takeout ako ng pagkain natin sa hapunan.’’
Hindi nakapagsalita si Cris.
(Itutuloy)
- Latest