Alupihan (151)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - October 18, 2020 - 12:00am

Ilang segundo ring hindi nakapagsalita si Cris makaraang sabihin ni Diana na aalis ito at magtutungo ng probinsiya dahil may emergency umano. Hila ni Diana ang isang maleta na halatang mabigat ang laman. Naka-jeans ito at shirt.

“A e kailan ka babalik Diana?’’ nasabi ni Cris makaraan ang ilang segundo.

“Hindi ko alam Kuya. Emergency nga po.’’

“Anong nangyari?’’

“Ayaw pong sabihin. Pero may kutob akong may masamang nangyari. Kaya nga po nagpasya na akong umuwi ngayong umaga. Hindi na po ako mapalagay.’’

“E sige, mag-ingat ka sa biyahe.’’

‘‘Salamat Kuya.’’

Aalis na si Diana nang biglang may maalala at binalingan uli si Cris.

“E Kuya, puwede bang makuha ang cell number mo? Kung hindi pa ako makakabalik dito e ipaaaalam ko sa’yo. Mabuti nang alam mo ang nangyayari sa akin. Puwede Kuya?”

“Sure. Eto ang number ko…’’

Sinabi ni Cris ang number at nirekord naman ni Diana sa cell niya.

Nang matapos ay nagpaalam na si Diana.

Pinagmasdan ni Cris ang paglalakad ni Diana.

Buntis nga ba si Diana?

Nagtataka siya. Kung buntis ito, bakit balingkinitan pa rin ang katawan. Flat na flat ang tiyan at walang palatandaan na nagdadalantao.

Maaaring tama ang sinabi ng kanyang sister na si Berna na modus lang ang sinasabing buntis ito.

Kahit matagal nang nakaalis si Diana ay nag-iisip pa rin si Cris. Maraming katanungan ang nagluta­ngan sa kanyang isipan.

Bakit biglang-bigla ang pag-alis ni Diana?

May kaugnayan kaya sa magnanakaw na inaaba-ngan niya?

At kaya siya umalis ay para hindi paghinalaan na kasabwat ng magna­nakaw? (Itutuloy)

CRIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with