Ahas sa garden (309)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - November 7, 2019 - 12:00am

WALANG kamalay-malay si Alexis na nasa casino rin ng araw na iyon si Brenda at nakita siya. Kaya lamang, hindi nito tiyak kung siya nga ang nakita.

Umalis na si Alexis pero babalik din siya sa isang linggo sa imbitasyon na rin ng casino official na si Sir Ave Buenviaje. May iba pa silang agenda na pag-uusapan ng mabait na casino officer. Mukhang aalukin si Alexis na suplayan na rin ng fresh ve­getables and fruits ang bagong tayo na casino-hotel sa Parañaque. Ayon kay Sir Buenviaje, ang casino-hotel ang pabo­rito ng mga Chinese. Pawang mga Chinese umano ang kanilang customer.

Masayang umalis­ si Alexis sakay ng kan­yang bagong kotse­. Pauwi na siya sa pro­binsiya. Kailangang­ ma­karating siya nang ma­aga sapagkat mayroon siyang appointment para naman sa mga engineer na magsasagawa ng expansion sa kanyang resort. Ginawa na rin niyang resort ang malawak na lupa na may taniman din ng gulay at iba’t ibang prutas. Puwedeng mamitas ng prutas ang mga customer. Puwede ring magpaluto ng mga sariwang gulay. Ituturo na lang ang gustong gulay at ora mismong iluluto. Sariwang-sariwa!

Ang resort niya ang kauna-unahan sa lugar kaya naman marami ang nagtutungo roon lalo na kung panahon ng summer. Masarap maligo sa ilog sapag­kat napakalinis at na­pakalamig ng tubig. Mayroong mga cottage doon na nire­rentahan ng mga bumibisita.

NAUBOS na ang pera ni Brenda! Ang kanyang natitirang pera ay isinapalaran niya sa sugal at na­simot na lahat. Wala nang natira sa kanya. Kahit alahas na maisasangla ay wala na rin siya. Mistulang pulubi na siya ngayon.

Nag-iisip siya nang pa­raan para hindi mamatay sa gutom. Kailangang kumita siya kahit paano para may ma­ibili ng pagkain.

Kahit ka­lakalin niya ang kata­wan, gagawin niya para may ma­ibili ng pag­kain!

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with