_ngayon
^

Black Widow (69)

Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - November 11, 2015 - 9:00am

“NASAAN ang anak ni Jam?’’ Tanong ni Jose na nagkaroon nang interes nang malamang hiwalay sa asawa si Jam.

“Nasa kanyang asawa. At malaki ang problema niya dahil ayaw nang ipakita sa kanya ang mga anak. Itinatago na sa kanya. Naaawa nga ako. Umiiyak siya sa akin dahil gustung-gusto niyang makita ang kanyang mga anak.’’

“Pero parang hindi halata na may problema siya. Di ba nakikipagbiruan pa siya nang makita n’yo ako sa Dapitan.’’

“Oo. Magaling magtago ng problema ‘yun pero kapag kaming dalawa na lamang ay lihim na umiiyak. Laging sinasabi na kahit masilip lang ang mga anak ay okey na sa kan­ya.’’

“Bakit ba umabot sa punto na ipinagkait ang kanyang mga anak?’’

Bantulot si Marie kung ipagtatapat pa ang pagpatol ni Jam sa isang dancer sa gaybar. Hindi niya ugaling ikuwento sa iba ang lihim ng kaibigan. Pero dahil malapit na rin siya kay Jose at naumpisahan na rin ang pagkukuwento sa ilang bahagi ng buhay ni Jam, sinabi na rin niya ang dahilan.

“Nagkaroon kasi ng karelasyon si Jam at nabuntis siya. Siya ngayon ang lumalabas na masama. Ang asawa niya na unang nambabae ang parang aping-api. Ginantihan lang ni Jam ang taksil na asawa pero siya ngayon ang nasa masamang kalagayan. Walang ibang duma-damay. Ako lang ang nilalapitan niya.’’

Napailing-iling si Jose.

“Nakakaawa nga si Jam.’’

“Kaya nga gusto kong makausap ang asawa ni Jam. Makikiusap ako na ipakita kay Jam ang dalawang anak. Kahit sandali lang. Okey kaya  ang naisip ko, Jose? Gusto ko lang matulungan si Jam. Naaawa ako.’’

“Wala namang masama. I-try mo.’’

(Itutuloy)

ACIRC ANAK ANG BAKIT BANTULOT DAPITAN GINANTIHAN JAM NAAAWA PERO SIYA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with