^

PSN Showbiz

Paulo, tinatambakan ng regalo si Kim

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Paulo, tinatambakan ng regalo si Kim
Kim Chiu at Paulo Avelino.
STAR/ File

Talagang malapit na sa isa’t isa sina Kim Chiu at Paulo Avelino dahil halos dalawang taon nang magkatrabaho.

Unang sumikat ang tambalang KimPau sa seryeng Linlang noong isang taon.

Ngayon naman ay patuloy na sinusuportahan ng mga tagahanga sina Kim at Paulo sa What’s Wrong With Secretary Kim.

Mayroong mga regalong ibinigay ang aktor sa dalaga kamakailan. “Binigyan niya ako ng gifts. May notebook kasi ako na sinusulatan ko ng emotional journey ng character ko. Tapos pinupuno ko siya tapos saka ko siya papalitan. Tapos no’ng nakita niya ‘yung notebook ko, gamit ko pa ‘yun no’ng Fit Check, Linlang tapos umabot pa ng Secretary Kim eh puno na siya. Sabi niya ‘Huwag ka na bumili ng notebook. Ako na bibili ng notebook sa susunod mong notebook.’ So binigyan niya ako ng apat na notebook,” kwento ni Kim sa ABS-CBN News.

Sa ngayon ay hindi pa rin nagagamit ng aktres ang apat na kuwadernong ibinigay ni Paulo.

Bukod dito ay mayroon pang isang bagay na iniregalo ang aktor sa dalaga. “Bumili rin siya ng chair, taping chair. Tapos ang comfy,” dagdag ng aktres.

“Kasi sira-sira na rin ang chair niya kasi. Parang maliit sa kanya, so sige, bigyan ko nga si Kim,” nakangiting sagot naman ni Paulo.

Bagong Kathden movie, sa biruan lang nag-umpisa

Ngayon pa lamang ay pinag-uusapan na ang bagong pelikula na muling pagtatambalan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Matatandaang pumatok sa takilya noong 2019 ang Hello, Love, Goodbye na pinagbidahan ng tambalang KathDen. Nakatakda namang ipalabas sa mga sinehan simula Nov. 13 ang sequel nitong Hello, Love, Again mula sa Star Cinema at GMA Pictures.

Nagsimula umano sa biruan ng mga big boss ng GMA at ABS-CBN ang pinakaaabangang proyekto. “This is the best movie that we can begin with. Sa umpisa pa lang niloloko ko na si Carlo (Katigbak). Sabi ko, ‘Tara, mag-sequel na tayo ng Hello, Love, Goodbye. Palagi ko siyang niloloko every time may meeting kami, ‘yan ‘yung niloloko. Akala ko biro lang. Tapos bigla na lang a month ago, biglang sinabi niya, ‘Tara, gawin na natin ‘yung sequel,’”  pagbabahagi ng Senior Vice President ng GMA Network na si Atty. Annette Gozon-Valdes. (Reports from JCC)

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with