^

PSN Showbiz

Anne, isang dekadang namahinga

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Anne, isang dekadang namahinga
Anne Curtis
STAR/File

Matapos ang isang dekada na pahinga sa paggawa ng mga teleserye, muling nagbabalik si Anne Curtis sa teleserye para sa kanyang dream role bilang Emelia “Mia” Hernandez, ang katumbas ni Ko Moon-young.

Ibinahagi ni Anne na inaasam niya ang role na ito habang pinapanood ang orihinal na Korean series ilang taon na ang nakalipas.

“It’s definitely worth it. Hindi naman ako mag-a-accept ng isang project if I didn’t feel it was worth leaving my family for a little bit to shoot. So when they offered this to me, it was an instant yes because I love the original. I couldn’t let it pass,” sabi niya noong announcement ng proyekto nitong Biyernes (Mayo 17).

Makakatambal niya rito si Joshua Garcia na bibigyang-buhay ang Pinoy version ni Moon Gang-tae na si Patrick “PatPat” Gonzales.

Isang karangalan umano para kay Joshua na makasama si Anne sa unang pagkakataon sa isang bigating serye, na labis niya rin pinaghahandaan.

“Nandoon ‘yung pressure pero sa ngayon nagfo-focus na lang ako ‘dun sa role ko na sana mabigyan ko ng justice. Nagpe-prepare ako, nagwu-workout ako ngayon pero I think mas malaki ‘yung importansya ‘yung mas emotionally prepared kami. Mag-i-immerse din ako sa mga nurses, kung paano sila nagha-handle ng patients,” saad niya.

Buong loob naman na tinanggap ni Carlo Aquino ang hamon na gumanap bilang Moon Sang-tae ng Pilipinas na si Matthew “MatMat” Gonzales.

Ibinahagi rin niya ang kanyang determinasyon na aralin at intindihin ang autism syndrome para sa pagganap ng kanyang karakter.

“I’m up for a challenge kaya hindi ko binitawan. Gusto kong masubukan. Gusto kong gawan. Dagdag pa niya, “By next month, I believe mag-iimmersion kami, kasama ko si Direk Mae.”

Iikot ang serye sa kwento ng buhay nina Mia (Anne), isang babaeng may antisocial personality disorder, at PatPat (Joshua), isang psych ward caretaker, na umikot ang mundo sa pangangalaga sa kanyang autistic na kuya na si MatMat (Carlo).

Sa pangunguna ng award-winning box office director na si Mae Cruz Alviar at creative producer na si Henry Quitain, ang teleserye ay tatalakay sa iba’t ibang aspeto ng mental health issues, habang inihahalo ang kultura ng Pilipino sa Korean drama series sa pamamagitan ng pagpapakita ng magagandang lokasyon sa Pilipinas at pagbida sa mga mahuhusay na Pinoy illustrator at animator.

vuukle comment

ANNE CURTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with