^

PSN Showbiz

Pinoy heartthrob from Korea

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

Nagsisimula palang magbinata noon si Seon Woo Kim, nung umalis sila ng kanyang nanay at ate ng Pilipinas para manirahan na sa Korea. (patikim ng kimchi, bro!)

“Nagkahiwalay po ‘yung parents ko, tapos may nakilala po ‘yung mama ko po na Korean na naging stepdad ko. 13 years old ako nung pumunta kami ng Korea, tapos pinapalitan ng mama ko ‹yung name ko dun na Seon Woo. “Pagpapaliwanag ni Seon Woo. (magpapalit na rin ako name, gawin kong Melody para sa’yo. )

Makalipas ang walong taon, nagdesisyon s’ya na bumalik ng bansa mag-isa.  (kasama mo na ko sa buhay mo, bro!)

“Na-stress lang po ako sa Korea. Ang daming problema. May gusto po kasi akong gawin pero ‘di ko nagagawa. Gusto kong mag-aral dito. Kahit kasi naiintindihan ko ‘yung Korean, nahihirapan pa rin ako. Iba pa rin ‘yung turo rito.” Paglalahad ni Seon Woo.  (magaling ako magturo, baby!)

Gusto rin n’ya subukan ang pag-aartista lalo pa’t nasimulan na n’ya ito sa Korea. (gusto rin kita i-try...na makasama! )

“Nakapag-try na rin naman ako dun na lumabas sa mga K drama at sa mga Korean production. Pero nung binigyan ako ng mahabang script in Korean, nag-back out ako. Kinabahan kasi ako. Ang hirap kabisaduhin ‘yung lines in Korean. Pero ‘yung tagalog, makita ko lang ‘yung script, nakukuha ko na agad. “Pagkukwento ni Seon Woo (touch ko dibdib mo bro para ‘di ka kabahan!)

Una syang sumalang sa Expecially For You ng It’s Showtime. “Naging searchee ako. Lasing pa nga ako nung dumating ako dun. Bardagol na nga ‘yung mga sagot ko, pero ako pa rin pinili. Nag-date kami at nag-usap kami pero hindi kami swak, kaya hindi naging kami. “(buti naman! Dahil tayo ang itinadhana!)

Bilang maganda ang rehistro n’ya sa harap ng camera, pinabalik sya sa show. “This time, dalawa kami ng ex girlfriend ko ang sumalang. Tutulungan ko ‘yung ex ko na maghanap ng bagong ka-date. Naiyak lang ako kasi ang sakit lang na makita, na dating sa’yo, ile-let go mo na. “(wag mo na iniintindi mga ex, tinatapon ‘yan!)

Kamakailan ay pinapirma na sya bilang talent ng Vivamax.  Ang una n’yang proyekto, ang Wanted Girlfriend. (ay parang want kita, bro!)

“Ang role ko, katrabaho ni Sheena Yu. Pareho kaming nurse tapos chinukchak n’ya ako. ‘Yung eksena, ni-rape n’ya ako sa nursing room. “Pagbibida ni Seon Woo. (dapat ang title: Wanted Chukchak!)

Bilang nasimulan na ng 21 anyos na binata ang magpa-sexy, willing naman daw sya na mas lalong maging daring sa mga susunod n’yang proyekto basta maganda ang offer. (ilalatag ko na ang bigayan, bro!)

“Depende sa bayad. Pinasok ko itong pag-aartista para sa future ko. ‘Di ko ito pinasok dahil sa gusto ko talaga ‘yung pag-aartista, gusto ko ito para sa mga pangarap ko at pagkakitaan. “Paglilinaw ni Seon Woo. (wag ka lang kaya mag-showbiz bro, pag-usapan na lang natin!)

 

 

(Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com )

vuukle comment

KOREA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with