^

PSN Showbiz

Aktor, nawindang nang silipan ng hunk actor!

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagtataka ang isang hunk actor kung bading ba o AC/DC ang isang hunk ding aktor na may girlfriend naman.

Magkakilala ang dalawang aktor na leading man ang looks at hunk-hunk ang dating.

Si hunk actor 1, secured sa pagkalalaki niya. Walang duda ito.

Pero si hunk number 2, sanay sa gay language lalo na’t kadalasan ay acla ang kasama niya. Teaser at flirt ang actor kaya napagkakamalang berde ang dugo, huh!

Nagkasama sa isang taping ang dalawang aktor. Nang umihi si aktor 2, sumunod si aktor 1 at tinabihan si aktor 2 sa urinal na walang harang.

Nagulat si aktor 2 nang big­lang sumilip si aktor 1 sa kanya habang umiihi. Umiwas tuloy siya.

Pero nakita na ni hunk 1 ang kargada niya. Rason ni hunk niya, tinitingnan lang daw niya kung sino sa kanilang dalawa ang mas may maipagmamala­king kargada, huh!

Sa kalaunan, umiwas na si aktor 2 kay aktor 1 na sumabay sa kanyang pag-ihi.

Natatakot na siya sa kinikilos ni aktor 1!

Rewind, nanalasa

Kapapasok pa lang sa Netflix PH ang pelikulang Rewind last March 25 and yet, heto at nangunguna na at number one na!

Una ang Rewind sa filmfest movies na pilabas sa streaming app. Sa susunod na araw pa ang ibang festival movies.

Hanggang sa streaming app, nananalasa ang Rewind sa pagkita, huh!

vuukle comment

HUNK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with