^

PSN Showbiz

Panakip sa drip... Mariel, pinagkalat ang halikan nina Robin at Regine

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Panakip sa drip... Mariel, pinagkalat ang halikan nina Robin at Regine
Sen. Robin Padilla at Regine Velasquez

Tila na-turn off ang ilang netizens sa huling post ni Mariel Rodriguez-Padilla sa kanyang Facebook account na kung saan na-share niya ang dati pang video nina Sen. Robin Padilla at Regine Velasquez na naghalikan sila sa isang programa sa GMA 7.

Parang promo ‘yun ng pelikula nilang Kailangan Ko’y Ikaw na maa­ring nagpapakilig sa fans kaya nagkahalikan.

May ilang netizens nag-share ng tagpong ‘yun at nai-share kay Mariel.

Ipinost naman ito ng actress/TV host at ang nasa caption nito, Ang daming nag-tag sa akin (laugh emoji) mas marami pa nag-tag sakin dito kesa sa IV drip. Oh ayan masaya na kayo? Ako na nag-share?happy? Happy na ba lahat? (3 silly emojis) tag ko na rin si kuya Ogie Alcasid kasi dalawa kami tag niyo. YEHEY! (3 laugh emojis).”

Pinuri si Mariel ng karamihang folllowers niya sa kanyang Facebook account, pero inalipusta naman siya sa ilang pumik-ap nito.

Hindi raw bagay sa isang asawa ng senador na nagpapatol sa ganung isyu.

Nahaluan na rin ng pulitika na kung saan may mga reaction mula sa mga ‘pinklawan’ at mga maka-BBM.

Pinag-uusapan pa rin ang isyung ito sa ilang platforms, pero nag-sorry na rin si Sen. Robin, na kung saan nagpadala pa siya ng apology letter sa tanggapan ni Sen. Nancy Binay.

Kaagad na sinagot ni Sen. Binay ang sulat na Sen. Padilla.

Bird ni Enrique, ‘di pa umabot sa P15 million

Nakatsikahan namin sandali ang guwapong aktor na si Juan Carlos Galano sa nakaraang premiere night ng pelikulang After All ng ALV Films na showing pa rin sa ilang sinehan.

Siya pala ang kumanta ng theme song ng pelikula na pinamagatang Sandaang Yugto na bumagay sa pelikula.

Bukod sa sexy ang packaging sa kanya, napatunayan ni JC na may iba siyang talent bukod sa pagpapa-sexy lang.

May kontrata pala siya sa Universal Records at nakapag-record na raw siya ng kanta.

Hindi pa raw kasali itong Sandaang Yugto, pero kasali rin siya sa pelikula na kung saan gumaganap siyang ama ni Teejay Marquez na halos magkaedad lang sila.

Pero walang pinipili si JC na projects dahil naniniwala siyang basta may angking galing ka, kaya mong pagandahin ang performance mo.

Kasama siya sa cast ng One More Chance, The Musical na magsisimula na ang staging nito sa April ng taong ito.

Maganda rin ang role na gagampanan niya sa Tennessee Williams play na Summer and Smoke, at magsisimula na rin siyang mag-taping sa bagong teleserye ni Piolo Pascual na Pamilya Sagrado. Naka-schedule na raw ang taping niya sa Baguio City.

Kaya kahit may offers sa kanya na lumabas sa ilang pelikulang pang-Vivamax, hindi na raw niya magagawa.

Samantala, wala pa kaming balita sa boxoffice results nitong After All pero mukhang mahina itong mga huling lumabas na pelikula.

Ipinalabas din pala ng Buy Bust Queen ni Phoebe Walker na hindi man lang na-promote nang maayos.

So far, ngayon taon ay ang My Sassy Girl ang maituturing na pinakamalakas sa boxoffice.

Naka-P27M daw ang total run nito.

Ang I Am Not Big Bird ni Enrique Gil ay showing pa rin hanggang ngayon sa mga sinehan, at naka-P10M ang first week of showing nito. Ang tantiya nila ay baka maka-P14 to P15M ang total run nito.

 

vuukle comment

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with