^

PSN Showbiz

Lovi, nagluluksa!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Lovi, nagluluksa!
Lovi Poe

Ang sakit ng iyak ni Lovi Poe kahapon.

Ito ay dahil sa namatay niyang aso, si Phoebe, na alaga niya for 17 years.

At umuwi lang siya ng bansa nang malaman niyang may sakit ito, may tumor at incurable na.

Umalis siya sa Pilipinas last Dec. 5, at Feb. 21 siya bumalik dahil nga sa nangyari kay Phoebe.

Nagkaroon ng tumor si Phoebe.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng tumor si Phoebe. “Two years ago, she already had... like tumor din inside sa body niya and then basically sinabi sa akin ng vet na parang she’ll be given like six months to live but then I’m just so grateful na she gave us three years pa,” umpisa ng kuwento ni Lovi kahapon nang humarap siya sa ilang entertainment press.

Malakas pa raw ito nung umalis siya ng Pilipinas kaya talagang apektado siya nung nalamang hindi na ito gagaling.

“She was still strong, that’s why it felt so unexpected, although sinabi sa akin na may six months siya pero binigyan pa niya ako ng two years and then I’m just so grateful for that. But it’s funny that even if it’s like 17 years, it still feels short ‘pag dogs talaga. I think dog moms would understand. ‘Di ba people who have pets would know that they are not just animals, they are actually families,” dagdag pa ng actress na kahapon ay umalis na rin ng bansa dahil may mga naiwan siyang trabaho sa Los Angeles.

Bukod sa Hollywood film na Bad Man, meron siyang iso-shoot na isa pang Hollywood film na wala pang masyadong details.

May horror film din siyang nakapila na ididirek ni Richard Somes.

Nagtayo na rin sila ng sariling production company ng kanyang husband na si Montgomery Blencowe na isang scientist / producer, ang C’est Lovi Productions.

May gagawin din siya sa Regal Films na wala pa rin masyadong details.

Anyway, parang tao talaga ang nawala kay Lovi. At dama mo talaga ang sakit ng loob niya. “It’s hard. Pero kinakaya ko talaga,” dagdag pa niya.

Pina-cremate niya ang body ni Phoebe at kahilera na ito ng mga abo ng kanyang mahal sa buhay.

Saan siya galing?

“Anak siya ng dalawa kong dogs. Actually ang story is ‘yung first dog ko, si Chibby, ‘yung mom ni Phoebe, first dog ko siya. Actually I think I got her on my first paycheck, sa first show ko sa GMA so parang nandun siya sa chapter na ‘yon, si Chibby and then she passed away actually when I moved. Parang it’s funny lang parang sa next chapter hindi sila nakasama. So ‘yung dalawa kong dogs na si Seth at si Chibby, anak nila si Phoebe,” pagkukuwento pa ng actress na talagang tumatak ang character sa pagiging Mokang sa FPJ’s Batang Quiapo.

Samantala, nanggaling si Lovi sa Panagbenga Festival kung saan siya sumakay ng float para sa SCD Skin products bago siya umalis ng Pilipinas.

vuukle comment

ACTRESS

LOVI POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with