^

PSN Showbiz

Kylie, nilantad ang ‘relasyon’ kay David Beckham

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kylie, nilantad ang �relasyon� kay David Beckham
David at Kylie

Kinaaliwan ang post ng aktres at dating beauty queen na si Kylie Verzosa sa kanyang jowa reveal post.

Ibinahagi niya ang highlights mula sa kanyang recent trip sa France kung saan nag-enjoy siya sa pag-ski.

Halo-halong litrato ang mga iyon ng kanyang mga ginawa sa nasabing bansa pero nasorpresa ang netizens sa pinakahuling litrato dahil photo nila iyon ng football legend na si David Beckham. “Fine, jowa reveal,” caption niya kung saan aliw na aliw ang mga kaibigan at tagahanga sa kanyang post.

Inamin ng dating karelasyon ni Jake Cuenca na nasa isang private relationship siya at mukhang matatagalan pa bago niya ilantad ang pangalan ng karelasyon.

Ibabahagi niya raw ito ‘pag handa na siya pero sa ngayon ay masaya raw siya.

‘God was so good to me’

Dahil PG (patay-gutom) ako by nature, kaya siguro kahit maysakit ako magana pa rin ako kumain, hah hah. Alam ko na kung minsan ‘yung mga lunch invitation sa akin para lang ma-check nila kung ano na ang kondisyon ko mula nang mabalita na nagkasakit ako.

Kasi nga nakapagtataka sa marami bakit halos araw-araw meron kaming lunch date. Mga friends namin na gusto lang makita kung ano ba talaga ang health condition ko.

Ewan ko ba pero kahit nga 77 na ako, I feel energetic pa rin at hindi ko naman iniinda ang dialysis sessions ko. Kahit nga sa hospital nagtataka na parang carry ko mag-dialysis, except that time na tinamaan ako ng pneumonia na talagang hinang-hina ako.

God was so good to me, na talagang hindi ako pinaramdam ng anumang pain. I am truly grateful sa prayers dahil hanggang ngayon buhay pa rin ako.

Salamat sa friends ko na talagang laging naka-check.

vuukle comment

KYLIE VERZOSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with