^

PSN Showbiz

Ex boyfriend na nag-viral sa Socmed

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

Nung mahigit isang dekada kong pagbibigay ng love advice bilang Radio Jock sa FM radio, ang isyu ng ex jowa ang isa sa mga madalas mapag-usapan. (‘di pa magsipag move on!) Kaya ‘di ako nagtataka kung bakit maraming beses nang trending ang Expecially For You ng It’s Showtime sa ABS-CBN. (‘yang mga ex na ‘yan, dapat ekis na!) Hindi ko napapanood ang segment na ito (bilang suplada ako. Chos!), pero ayon sa mga pinagtanungan ko, ito ay isang dating game, kung saan maghahanap ng ka-date ang isang searchee pero ang twist, may appearance ang ex nyowa ng searchee at dun sila maghuhuntahan ng mga emosyon. (sa harap talaga ng madlang pipol ha!)

Naloka lang ako isang araw nang biglang ang daming netizen ang nagta-tag sa’kin ng isang episode nila. (‘di naman ako close sa show!) ‘Yun pala ‘yung isang naging contestant sa show na nag-viral sa social media ay na-interview ko sa youtube show naming WTFu. (akala ko naman ako ang trending!) Siya ay si Roswell Matteos na sumalang sa show namin last December 2023. (na may pahubad sa show namin syempre!)

Pinag-usapan si Roswell dahil maliban sa masalimot nyang kwento, nabansagan din syang “Viral Bukol Hunk” ng mga viewers. (napa-zoom in daw ang mga acla!) Wala akong mako-comment sa isyu nila ng ex nya. (sa ex ko nga wala akong paki!) ‘Yung tungkol naman sa zoom in moments, watch n’yo na lang ang episode nya sa WTFu. (in fairness, dinagsa kami ng views ha!)

Sa kanyang guest appearance sa WTFu, nabanggit ng 24 anyos na high school graduate na gusto nyang mag-artista pero wala pang dumarating na pagkakataon. (darating ako dyan s’yo, bro!)

“Siguro wala pa ‘yung producer o ‘yung opportunity. Ok naman sa’kin ‘yung mga sexy roles. Basta maganda ‘yung proyekto. Magpakita ng behind, pwede. ‘Yung harap, pag-iisipan.” Pagpapaliwanag ni Roswell. (wala pa ‘yung producer, pero nandito ako, bro!)

Hindi lang siya sigurado sa ngayon kung kaya niyang sumabak sa mga BL series o gay films: “Mapag-iisipan din naman po ‘yan. Maraming mga sikat na artista ang nanggaling dyan tulad ng idol kong si Coco Martin.” (sa quiapo natin gawing ang eksena natin, bro!)

Aminado ang Freelance Model na madalas siyang pagnasaan sa social media. (block mo mga vakla!)

“Minsang grabe din ‘yung bunganga. Prangkahan na. Minsan nagtatanong magkano ka, bayaran ko gabi mo. Mag-enjoy tayo. Wala akong sinasamahan. May paninindigan tayo eh. Matigas.” Pagkukwento ni Roswell (tigasan mo pa bro.. ‘yung paninindigan!)

Huwag lang daw na ma-misinterpret na sya ay suplado. “Palakaibigan ako kahit saan, kahit pa LGBT pa ‘yan. Kung ok naman sila. Ok din ako sa kanila. Pero kung pineke ka lang nila, dun ako ume-exit. “ (ay sa’kin walang peke, all natural ito, bro!)

Mapagmahal din daw sya lalo na sa kanyang mga nakakarelasyon. “Simple lang ako magmahal. Kung anong ipakita sa’king pagmamahal, ganun din ako sa kanya o higit pa.“ (patinging, bro! game!)

 

 

Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com

vuukle comment

LGBT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with