^

PSN Showbiz

Traffic, bahagi na ng kultura!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Traffic, bahagi na ng kultura!
Coldplay

Mukhang lutang pa ang maraming nanood ng Coldplay concert sa Philippine Arena.

Talagang sobra ang mga Pilipino pag humanga kaya nagmukhang sampung rally ang dami ng tao sa nasabing concert.

Hindi mo aakalain na mapapalabas mo ang ganun karaming tao pagkatapos ng pandemic para sa concert ng sikat na British band.

At talagang walang tatalo sa traffic natin na napansin din ng Coldplay lead vocalist na si Chris Martin.

Pero dahil siguro may pagka-liberal ako, hindi ako apektado ng traffic natin.

Gaya nga ng sabi ko, kung traffic lang hindi mo matanggap, ‘di lalo na ang mas malaking problema sa buhay.

Nandiyan na iyon traffic mula pa nun, dapat tanggap na ng kultura natin, hindi na dapat ikainit ng ulo dahil parte na ng pang araw-araw na buhay natin.

Huwag na natin isisi sa gobyerno o kahit kanino.

Tanggapin na natin at huwag nang ika-stress.

Saka dapat natin gawin mag-enjoy na lang habang naiipit sa traffic.

Huwag idagdag pa sa mga personal mong problema.

Naku basta para sa akin, anuman gawin ng gobyerno at leader natin dapat inuunawa natin at hindi laging negative ang pagtanggap natin.

Isa lang bagay ang dapat natin gawin bilang Pilipino, love our country and follow our leaders.

Parang isang family, igalang ang head of the family, sundin at huwag matigas ang ulo.

Ganun ang buhay. Hindi ‘yun pino-problema mo pati traffic.

Kaloka. Saka kung ayaw mong ma-traffic, punta ka ng maaga. Ganun ang buhay.

vuukle comment

CONCERT

TRAFFIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with