Open Air Cinema One, ipapalabas ang Frozen 2 ngayong kapaskuhan

Anna at Elsa
STAR/ File

Maghahatid saya ngayong kapaskuhan ang Open Air Cinema One tampok ang Disney blockbuster film na Frozen 2 na libreng mapapanood ngayong Disyembre 2 (Sabado) sa Capitol Commons, Pasig City.

Kasama ng Cinema One ang Ortigas Land, Capital Commons, at Estancia sa pagbuo ng Open Air Cinema One: A Magical Movie Night na swak pang-bonding ng buong pamilya at magbabarkada.

Samahan sina Anna at Elsa sa kanilang misyon upang hanapin ang pinagmulan ng kanilang kapangyarihan at iligtas ang Arendelle mula sa paparating na kalamidad sa Frozen 2.

Binigyang boses  nina Kristen Bell at Idina Menzel ang mga bida ng pelikula na unang ipinalabas noong 2019.

Rated G din ito ayon sa MTRCB na maaaring mapanood ng lahat.

Haharanahin naman ng Kapamilya artists na sina Allen&Elle, Armi Millare, at Dani Zam ang mga manonood at pangungunahan ang programa ng Star Magic artist na si Ai dela Cruz bilang host.

Bukod sa movie screening at musical performances, magkakaroon din ng A-Paws fashion event para sa mga alagang aso’t pusa, iba’t ibang food stalls at booth activities, at on-stage games. Libre ang admission sa event at kailangan lang i-download ang Ortigas Mall app o maging Ortigas Community Card member para makapasok dito.

Makisaya sa OpenAir Cinema One na gaganapin ngayon Disyembre 2 (Sabado) sa Capitol Commons, Pasig City. Available ang Cinema One,  sa Cignal ch. 45, SKYcable ch. 56, GSat Direct TV ch. 14, at iba pang local cable service providers.

Show comments