^

PSN Showbiz

Bea at Dominic, excited na magkaanak

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Bea at Dominic, excited na magkaanak
Dominic at Bea
STAR/ File

Hindi pa man naikakasal ay sobrang excited na raw nina Bea Alonzo at Dominic Roque na bumuo ng sariling pamilya.

Ayon sa aktres ay nakararamdam din ang kanyang fiancé ng kaba dahil sa mga susunod na yugto ng kanilang buhay. “I guess doon sa whole thing, not in a sense na kabado siya magpamilya. He would always tell me he is very excited to have a family with me and have kids. Actually, mas excited kami to have kids together.

“It’s just that I guess kinakabahan siya doon sa sunud-sunod na mga parties. He has never thrown a really big party before. So, I guess mas kabado siya roon. Feeling ko kabado kami pareho sa budget, charot lang,” pagbabahagi sa amin ni Bea sa Fast Talk with Boy Abunda.

Umaasa ang aktres na magiging mabuting magulang para sa magiging mga supling nila ni Dominic. “I hope that I’ll become a good example to my children one day. And I hope that I get to raise God-fearing and really good kids with good values,” giit ng dalaga.

Matatandaang nitong Hulyo lamang naganap ang engagement ng magkasintahan. Ngayon ay magtatatlong taon nang magkarelasyon sina Bea at Dominic.

Wala na umanong mahihiling pa ang dalaga kundi ang mas lumalim pa ang kanilang pagmamahalan ni Dominic. “Sana manatiling nasa center ng relationship namin si Lord to guide us. And sana sa next chapter na papasukin namin mas lumalim ‘yung pagkakaintindihan namin at pagmamahalan namin sa isa’t isa,” pagtatapos ng aktres.

Richard, kailangan ng matinding planning sa bagong serye

Kamakailan ay muling pumirma ng eksklusibong kontrata si Richard Gutierrez sa ABS-CBN.

Malaki ang pasasalamat ng aktor dahil patuloy siyang sinusuportahan ng mga taghanga at muli siyang pinagkatiwalaan ng Kapamilya network. “I would like to thank first and foremost the Kapamilyas all over the world. If it’s not for you, we won’t be here. Salamat sa mga taong sumusuporta sa akin, sa Kapamilya network. Gusto ko rin pasalamatan ang lahat ng mga nakatrabaho ko sa production. Dahil sa inyo narating ko kung nasaaan man ako ngayon. Of course, I would like to thank ABS-CBN for giving me this opportunity, for trusting me once again,” nakangiting bungad ni Richard.

Katatapos pa lamang noong isang linggo ng The Iron Heart na pinagbidahan ng aktor. Ngayon ay isang bagong action series ang nakatakdang gawin ni Richard. “I am ready to work hard and I am ready to give world-class content to our Kapamilyas all over the world. I am ready to work after a few weeks. We have a couple of things lined up.

“For the teleserye, I think first quarter of next year. I think that’s enough time for preparation, for planning. Kasi ang hirap tapatan ng The Iron Heart. To be honest kailangan naming mag-isip ng panibagong konsepto, at kung paano namin iaangat pa ‘yung level from the Iron Heart in terms of action, storytelling, locations. So kailangan talaga ng matinding planning. So, first quarter of next year is just right time,” pagdedetalye ng aktor.

(Reports from JCC)

vuukle comment

BEA

DOMINIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with