^

PSN Showbiz

Movie nina Kathryn at Dolly, ‘di very good ang resulta sa Amerika?!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Movie nina Kathryn at Dolly, �di very good ang resulta sa Amerika?!
Dolly de Leon, Bretman, at Kathryn Bernardo

Mukhang hindi maganda ang resulta ng screening ng A Very Good Girl sa iba’t ibang bahagi ng USA.

Base sa mga nakuha naming impormasyon sa ilang kaibigan sa Amerika, may ilang events daw doon na dapat puntahan nina Kathryn Bernardo at Dolly de Leon pero naka-cancel na lang daw bigla.

Kagaya raw ng isang sinehan sa Cerritos, isang lungsod sa California, may ilang press na raw na nag-abang para sa personal appearance doon nina Kathryn at Dolly, pero na-cancel dahil sa wala raw taong dumarating.

Ang kaibigan din naming si Louie Alejandro na naka-base sa Arizona, naikuwentong meron din sanang screening doon ang naturang pelikula nung nakaraang Biyernes. Nagsimula raw ang showing doon nung October 6 hanggang sa 11 na apat na screening daw sa isang sinehan, at dalawa naman sa isa.

Kuwento sa amin ni Tito Louie, 25 daw silang nanood nung Biyernes, at tinanong daw niya sa isang sinehan kung ilan ang nanood, iisa lang daw.

Inaasahan daw niyang marami-rami ang manonood sa Linggo, pero nung tsinek daw niya nung Biyernes, may 13 na raw na nagpa-reserve para sa Sunday screening.

Dagdag pang kuwento sa amin ng Hollywood correspendent na si Oliver Carnay; “Gumastos ang ABS-CBN for the premiere...nag-hire ng PR agent na siguro wala rin namang connect on how to really publicize. May nagsabi sa akin na sana raw hindi sinabay halos ang screening sa Manila, at naghintay muna tapos nagpa-block screenings na lang muna in certain theaters.”

Marami-rami pang mga sinehan ang natira rito sa atin dahil may mga nanonood pa rin ng pelikulang ito pero ang tantiya ng aming reliable source baka maka-90M lang daw ito sa buong run sa mga sinehan.

Arjo, nominadong best actor sa Busan Filmfest

Proud na proud si Sylvia Sanchez sa kanyang anak na si Cong. Arjo Atayde na rumampa sa red carpet ng Busan International Film Festival.

Kasali roon ang series na ginawa ng Nathan Studios na Cattleya Killer.

Post ni Sylvia sa kanyang Instagram account; “@arjoatayde is here at 2023 Asia Content Awards & Global OTT Awards in Busan, South Korea as he represents the country in vying for the Best Leading Actor Award for his performance in Cattleya Killer.”

Binaggit din ni Sylvia ang iba pang nominees na makakalaban ni Arjo sa kategoryang ito, kagaya nina Ryu Seung-ryong ng seryeng Moving ng South Korea, Fan Wei ng The Long Season ng China, Nat Kitcharit ng series na Delete ng Thailand at ang taga-Japan na sina Satoh Takeru ng First Love at Yuya Yagira ng Gannibal.

“This is exciting!!!” sabi pa ni Sylvia dahil nga si Arjo ang kauna-unahang Pinoy na nominado sa prestigious international filmfest na ito.

Kinikilig nga si Sylvia nang nakatsikahan namin sa nakaraang celebrity premiere ng Japanese film na Monster na iri-release ng Nathan Studios dito sa Pilipinas.

Nakatakda na ang showing nito sa mga sinehan sa October 11, kaya todo promote sila sa first venture ng kanilang production, ka-partner si Lorna Tolentino.

vuukle comment

ACTRESS

DOLLY DE LEON

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with