^

PSN Showbiz

Janine, Nadine, Heaven, Kim, Max, bakbakan sa Best Actress!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Janine, Nadine, Heaven, Kim, Max, bakbakan sa Best Actress!
Janine
STAR/ File

Limang pelikulang Pilipino na nagmarka at nang-agaw ng eksena noong nakaraang taon ang maglalaban-laban sa gaganaping The EDDYS o Entertainment Editors’ Choice ng Society of the Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa taong ito.

Ang mga nominado sa kategoryang Best Film ay ang Bakit ‘Di Mo Sabihin ng Firestarters at Viva Films; Blue Room mula sa Heaven’s Best Entertainment, Eyepoppers Multimedia Service at Fusee; Doll House ng MavX Productions; Family Matters ng CineKo Productions; at Nanahimik ang Gabi mula sa Rein Entertainment.

Nominado naman sa pagka-Best Director sina Marla Ancheta (Doll House); Ma-an L. Asuncion-Dagñalan (Blue Room); Real S. Florido (Bakit ‘Di Mo Sabihin); Nuel Crisostomo Naval (Family Matters); at Shugo Praico (Nanahimik ang Gabi).

Magpapatalbugan para sa Best Actress category sina Kim Chiu (Always); Max Eigenmann (12 Weeks);  Janine Guttierez (Bakit ‘Di Mo Sabihin); Nadine Lustre (Greed); Heaven Peralejo, (Nanahimik ang Gabi); at Rose Van Ginkel (Kitty K-7).

Bakbakan naman sa pagka-Best Actor sina Elijah Canlas (Blue Room); Baron Geisler (Doll House); Noel Trinidad (Family Matters); Ian Veneracion (Nanahimik ang Gabi); at JC de Vera, (Bakit ‘Di Mo Sabihin).

Paglalabanan naman nina Mylene Dizon (Family Matters); Matet de Leon (An Inconvenient Love); Althea Ruedas (Doll House); Ruby Ruiz (Ginhawa); at Nikki Valdez (Family Matters) ang tropeo para sa kategoryang Best Supporting Actress.

Para sa Best Supporting Actor, nominado sina Nonie Buencamino (Family Matters); Mon Confiado (Nanahimik ang Gabi); Soliman Cruz (Blue Room); Sid Lucero (Reroute); at Dido dela Paz (Ginhawa).

Magaganap ang 6th Entertainment Editors’ Choice sa Oktubre 22, 2023 sa EVM Convention Center, 37 Central Avenue, Quezon City, mula sa direksyon ng award-winning actor at filmmaker na si Eric Quizon.

Ihahatid ng Airtime Marketing Philippines ni Tessie Celestino-Howard ang ikaanim na edisyon ng The EDDYS. Magkakaroon ito ng delayed telecast sa NET 25 sa Oktubre 28.

Ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading newspaper at online site sa Pilipinas, sa pangunguna ng presidente nitong si Eugene Asis ng People’s Journal.

Narito ang mga nominado sa iba pang kategorya:

BEST SCREENPLAY

Anna Isabelle Matutina, 12 Weeks

Mel Mendoza del Rosario, Family Matters

Shugo Praico, Nanahimik ang Gabi

Onay Sales-Camero, Doll House

Racquel Villavicencio, Lampas Langit

BEST CINEMATOGRAPHY

Neil Daza, Blue Room

Yam Laranas, Greed

Tom Redoble, Doll House

Noel Teehankee, An Inconvenient Love

Moises Zee, Nanahimik ang Gabi

BEST PRODUCTION DESIGN

Marxie Maolen Fadul, Blue Room

Marielle Hizon, Nanahimik ang Gabi

Erik Manalo, Doll House

Cheska Salangsang, An Inconvenient Love

Elfren Palpan Vibar Jr., Family Matters

BEST EDITING

Vanessa de Leon, Blue Room

Michael Lacanilao and Anna Isabelle Matutina, 12 Weeks

Noah Tonga, Doll House

Noah Tonga, Mahal Kita Beksman

Moises Zee, Nananahimik ang Gabi

BEST MUSICAL SCORE

Teresa Barrozo, An Inconvenient Love

Pipo Cifra, Katips

Jesse Lasaten, Doll House

Jazz Nicolas and Mikey Amistoso, Blue Room

Emerzon Tecson, Mahal Kita Beksman

BEST SOUND

Aizen Andrade, How to Love Mr. Heartless

Andrea Teresa Idioma and Emilio Bien Sparks, Nananahimik ang Gabi

Janina Mikaela Minglanilla and Michael Keanu Cruz, Blue Room

Immanuel Verona, Reroute

Immanuel Verona and Fatima Nerikka Salim, LiveScream

vuukle comment

SPEED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with