^

PSN Showbiz

Kasal pinaghahandaan na... Bugoy nanghinayang sa mga nawalang datung nung nakabuntis sa edad na 16

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Kasal pinaghahandaan na... Bugoy nanghinayang sa mga nawalang datung nung nakabuntis sa edad na 16
EJ, Scarlet at Bugoy

Nasa plano na ng former child actor na si Bugoy Cariño na pakasalan ang partner na volleyball player.

Nasa peak si Bugoy ng kanyang showbiz career nang nalaman niyang buntis ang girlfriend na volleyball player na si EJ Laure.

Noong panahong iyon siya ay 16 taong gulang lang habang si EJ ay 21 kaya pinipilit siya ng fans na idemanda si EJ para sa pagsasamantala diumano sa isang menor de edad na kagaya niya.

Pero hindi niya ginawa.

Tinalikuran niya ang career at pinanindigan ang responsibilidad.

“May plano naman po ako sa kasal. Kasi syempre ‘yung partner ko… sabi ko nga syempre gusto ko na siyang makasama habambuhay. Wala rin ako masabi sa kanya, sobrang bait, masipag saka simple lang siya,” pahayag ni Bugoy pagkatapos ng media conference para sa launching movie niya sanang Huling Sayaw noong isang araw.

Malaki na ang baby nila ngayon. “Mana nga po sa mama niya. Parang mahaba ‘yung mga biyas. Pero ‘yung talent, sa akin talaga sabi ko,” pagpapatawa niyang sagot.

Sino ang kamukha? “95 % ako daw, 5% konti lang, eh.”

Anong mga plano mo sa showbiz ngayon?

“Siguro kung may chance na makabalik ulit, babalik naman po ako.”

May mga offer? “May mga offer po pero kasi gusto nila na ilabas ako na parang ready na ulit ako, payat ako. Matakaw po kasi ako pero tina-try ko po. Nagpapapawis naman po ako, basketball, sayaw, ganon,” pag-amin ni Bugoy at mas abala ngayon sa pagba-blog at basketball games sa mga probinsya.

‘Pag nakikita mo ‘yung mga dati mong kasabayan, hindi ka nanghihina­yang?

“Nung una po, nanghihinayang talaga ako kasi ang daming nawala pero sabi ko nga sa mga… kina Xyriel (Manabat), kina Zaijian (Jaranilla), sabi ko ‘sobrang saya ko sa inyo kasi proud ako na tayo magkakasama dati tapos ngayon grabe na ‘yung career n’yo.’ Sabi ko nga sa kanila, ‘kanya-kanya talaga tayo ng landas. Kung para dito ako, para dito. Pero kayo,’ sabi ko ‘masaya ako sa inyo’ kasi dati nangangarap lang kaming tatlo na magsama-sama sa isang project.

“Wala naman po siguro kasi masaya ako sa kanila kasi talagang close kami. Magkaka-chat pa rin kami hanggang ngayon,” pag-amin pa ng aktor.

Nakapag-ipon ka ba noon?

“Opo kasi ‘yung Star Magic kapag minor ka pa lang, dapat ‘yung TF mo pumapasok doon. Kasi parang meron kaming savings so may naipon naman po ako.”

Hindi ka dine-demand ng partner mo na pakasal na kayo agad?

“Hindi po. Hindi naman niya po ako pine-pressure. Wala naman po.”

Feeling po ito na ‘yung true love mo forever?

“Opo feeling ko kasi masaya naman po ako sa kanya. Saka syempre si baby, girl pa so ayun.”

Wala pa kayong plan na sundan itong baby n’yo?

“Wala pa po kasi sabi ko nga sa kanya ‘enjoy-in mo muna ‘yung pagba-volleyball mo kasi ito, e-enjoy-in ko muna ito. Ano lang tayo, relax.”

Samantala, ang pelikulang Huling Sayaw ay kuwento ng tatlong matalik na magkaibigan sa pagkabata, sina Danilo (Bugoy Cariño), Tiffany (Belle Mariano), at Stephanie (Andy Abellar), habang sila ay nag-navigate sa kanilang senior year sa isang prestigious school sa Maynila. Gayunpaman, hindi inaasahan ang takbo ng kanilang buhay nang gumawa ng maling desisyon si Danilo, napasukan siya ng mga bad influence.

Malalampasan kaya ni Danilo ang kanyang mga pagkakamali at matutupad ang kanyang pangarap na maging isang kilalang dancer?

Aside from Bugoy, co-stars niya sa pelikula sina Rob Sy, Ramon Christopher, Christian Vasquez, Emilio Garcia, Jeffrey Santos, Jao Mapa, Mark Herras, Zeus Collins, and Mickey Ferriols. Under the direction and written by Director Errol Ropero, Huling Sayaw promises to deliver a compelling narrative.

Mapapapanood ito sa mga sinehan simula sa Sept. 13, nationwide.

vuukle comment

BUGOY CARIñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with