Mother Lily, malakas ang personalidad!

Mother Lily

Talagang idol ko si Mother Lily Monteverde.

Siya ang perfect example ng isang lady of power.

Imagine mo, naka-duster, walang suot na alahas or anything, pero pagpasok niya sa isang lugar feel mo na ang lakas ng personalidad niya.

Kaya nga para sa akin clueless ‘yung mga tao na akala ‘yung mga suot mo will define you. ‘Yung mga tao na alipin ng signature. ‘Yung dapat nakasuot ng mamaha­ling bagay. Walang confidence sa sarili kaya gustong ipakita kung anong meron sila.

Nakakatawa nga kung minsan dahil para bang gusto lang i-display para makita ng iba.

Kahit anong gawin ng isang tao, mahirap mabura kung saan siya nanggaling. Kahit papaano lalabas at lalabas ang trace ng pinagmulan mo, at hindi mo ito dapat ikahiya. Iayos mo lang ang kilos mo, para naman maka-adapt sa bagong kaligiran, para masabing ayos ka at tanggap ng mga bagong kakilala mo.

I find it funny na merong trying hard na kumilos ng high and mighty samantalang alam mo naman kung saan siya nanggaling.

Lalo ngayon na madali nang malaman ang background ng kahit sino, wala nang puwedeng magtago ng kanyang pagkatao.

Be open, huwag nang magtago pa ng anumang bagay, mas open mas maganda. Mas bongga.

Show comments