^

PSN Showbiz

LOL, hinihintay

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
LOL, hinihintay

Parang naghihintay ang lahat kung saan mapupunta ang Lunch Out Loud. Kasi nga meron na ring naging captive audience ang LOL kaya hindi mo rin maiwasang itanong kung saan ito dadalhin ng BrightLight Productions.

‘Pag itanong mo bakit nga hindi kunin ito ng Net 25 para magkaroon sila ng show na magsu-support sa kanilang news program.

Magandang supporting show ang isang musical, then after manood ka ng news.

Sana nga bigyan ng oras ng Net 25 ang Lunch Out Loud para muling mapanood sila Billy Crawford sa isang musical na bagay na bagay sa kanya.

Napakahusay na host ni Billy, sayang naman kung hindi bibigyan ng programa na bagay sa kanya.

At dapat lang maging competitive na ang Net 25 na talagang ang babait ng management kaya dapat lang maging bongga, ‘di ba.

‘Big lunch, nakaka-enjoy’

Akala ko gagaling na ang kuliti ko after a week.

Dusa ang kuliti ko na talagang sabay-sabay lumabas kaya ang sakit at ang kati.

Sabi nga ng socialite na si Leo Espinosa maglaway ang mga hindi sila invited sa masarap na lunch ng Sushi group na kadalasang meron pang mga magagandang giveaway na dumara­ting.

Talagang gusto tuloy ni Leo Espinosa meron nang special guest tuwing lunch, hah hah, para siguro merong dagdag na kasali sa mga kuwento na pinag-uusapan. Big lunch uli tayo para enjoy na naman.

‘Katuwa naman na si Rubby Coyuito ang next sponsor, sure ako na magiging enjoyable na time na naman iyon to bond. Bongga talaga.

vuukle comment

LOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with